Responsive Ad

‘Crystalfall’ bagong game sa Steam, libre na at punong-puno ng aksyon!

'Crystalfall’ bagong game sa Steam, libre na at punong-puno ng aksyon!
PHOTO: Courtesy of PlayPark PH

MAY bonggang pasabog ang steampunk action RPG na “Crystalfall”!

officially na kasi itong nag-Early Access kamakailan lang, at take note, FREE to play pa sa Steam.

Sa bagong laro, siguradong hindi ka mabo-bored dahil pwede ka nang sumabak sa matitinding dungeon battles, mangolekta ng powerful loot, at mag-eksperimento sa iba’t ibang karakter builds gamit ang kakaibang Fuse Crystal system.

Dito, pwede mong paghalu-haluin at i-customize ang skills mo, kaya walang katulad ang magiging diskarte mo sa laban!

Baka Bet Mo: SB19 rumampa sa mundo ng video games, ‘DUNGKA!’ bida sa ‘FATAL FURY’ collab

Kung isa kang hardcore ARPG fan na mahilig mag-try ng kakaibang builds, aba’y ito na ang sign mo upang laruin ito.

Bago pa man ang launch, umarangkada na ang “Crystalfall” sa Steam Next Fest, kung saan pumasok ito sa Top 50 most-played demos, nakaipon ng 120,000 wishlists, at higit 72,000 demo downloads. 

Ang masaya pa sa laro, wala itong fixed class system.

Ibig sabihin, pwede kang mag-create ng malulupit na kombinasyon ng weapons, skills, at gear!

At para mas exciting, pwede pa ring sumali sa mga special in-game events:

Clear the Story Campaign and Win Credits

Tapusin ang five act campaign para makasali sa raffle giveaway! 20 players ang pipiliin kada linggo mula sa campaign leaderboard at makakatanggap ng tig-30 Credits. 

Ang event ay nagre-reset tuwing Lunes sa loob ng dalawang linggo, at kahit nanalo ka na ay pwede ka pa ulit sumali.

Endgame Leaderboard Competition

Kapag natapos mo na ang story campaign, magbubukas ang Endgame Mode kung saan hahamunin mo ang mas matitinding maps para umakyat sa leaderboard.

Leaderboard Rewards: Top 3 winners each week will win Credits!

1st Place: 150 Credits

2nd Place: 100 Credits

3rd Place: 75 Credits

At kung ‘di ka man makapasok sa Top 3, huwag malungkot dahil may chance ka pa rin manalo sa weekly raffle at makakuha ng 30 Credits!

The post ‘Crystalfall’ bagong game sa Steam, libre na at punong-puno ng aksyon! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments