Responsive Ad

Eman Bacosa, Raheel Bhyria pinatunayang hindi pinag-aawayan si Jillian

Eman Bacosa, Raheel Bhyria  pinatunayang hindi pinag-aawayan si Jillian
Jillian Ward, Eman Bacosa Pacquiao at Raheel Bhyria

NAGLABAS ng ebidensya ang dalawang Kapuso Sparkle artist na sina Eman Bacosa at Raheel Bhyria na walang tensiyon na namamagitan sa kanila.

Parehong nauugnay ngayon sina Eman at Raheel kay Kapuso actress at Star of the New Gen Jillian Ward at in fairness, may kanya-kanya na silang mga grupo ng supporters.

May Team Eman-Jillian at meron ding sariling tagasuporta ang loveteam ng Kapuso actress at ni Raheel.

Pero sa gitna nga ng pang-iintriga ng mga netizens, naglabas ng resibo ang dalawang Sparkle talents na wala silang away o hindi pagkakaunawaan.

Sa TikTok post ni Raheel nitong Martes, March 18, mapapanood ang video ng kanilang pagkikita kung saan sila nag-shake hands at nagpalitan pa ng papuri sa isa’t isa.

“Napaka-humble nito, guys. Pogi ‘to,” ang sey ni Eman.

Sagot naman ni Raheel, “De, mas pogi ‘to.”

Ni-repost din ni Eman sa social media ang video ng pagkukrus ng landas nila ng kapwa Kapuso star na may caption na, “What sup bro!”

“Brother! Ensayo na!!” ang reply naman sa kanya ni Raheel.

Kung matatandaan, humirit ng boxing match si Raheel kay Eman last November, 2025. Ito yung panahon pinagpiyestahan ang pagkikita nina Jillian at Eman sa premiere night ng “Kapuso Mo Jessica Soho Gabi Ng Lagim The Movie.”

Sey ni Raheel sa kanyang post noon, “Sparring idol (Eman).” Na sinagot lamang ni Eman ng boxing gloves emoji.

Samantala, pinagpiyestahan naman ng mga fans sa social media ang screenshot ng cryptic post ni Eman sa kanyang TikTok account.

“I can fight 100 men who want you. But I can’t fight a guy who you want,” ang mababasa sa naturang post na deleted na ngayon.

Samantala, sa guesting ni Eman są “Unang Hirit” nitong Miyerkules, March 18, natanong siya ni Suzi Entrata kung nakakaramdam ba siya ng selos kay Raheel dahil sa pagiging close nito kay Jillian.

Sagot ni Eman, nagkausap na raw sila ng ka-loveteam ni Jillian, pero hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa kanilang pag-uusap. Sabi pa ng anak ni Manny Pacquiao, mabuting magkaibigan daw sina Raheel at Jillian.

The post Eman Bacosa, Raheel Bhyria pinatunayang hindi pinag-aawayan si Jillian appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments