Responsive Ad

Regine Velasquez may huling bonggang concert bago mag-retire, pero…

Regine Velasquez may huling bonggang concert bago mag-retire, pero…
PHOTO: Instagram/@jonathanvelasco_

TILA desidido na si Asia’s Songbird Regine Velasquez na tapusin na ang bongga niyang karera.

Sa isang panayam sa Billboard Philippines Volumes, ibinunyag ng batikang singer na balak na niyang mag-retire pagkatapos magdaos ng isang engrandeng concert bilang pagdiriwang ng kanyang ika-40th anniversary sa music industry.

“I’m celebrating my 40th year in the business, and to celebrate that, I’m going to have a concert sometime in October pero wala pa kaming venue,” sey ni Regine.

Dagdag pa niya: “It’s going to be my last big concert to celebrate my 40th year. It’s going to be my last concert. Though I’m still going to have projects next year, this will be my last big solo concert.”

Baka Bet Mo: Regine Velasquez madalas nang atakihin ng stage anxiety: ‘It’s heartbreaking…’

Kaya naman, mixed emotions ang hatid nito sa fans dahil for sure ay kakasabikan ang concert, pero may kurot din sa puso dahil tila paalam na rin ito sa kanyang solo stage era.

Ngunit nilinaw naman ng Asia’s Songbird na hindi ibig sabihin ng “retirement” ay tuluyan na siyang mawawala sa eksena. 

May mga naka-line up pa raw siyang proyekto sa 2027 bago tuluyang mag-slow down.

“I still have mga projects next year, and eventually, I retire. Simple lang. Sabi ng asawa ko, retirement means not really stopping altogether,” saad niya.

Patuloy niya, “It means doing whatever it is you want to do, but it will free me from the pressure of trying to please everyone, which I like.”

Game na game ring ibinahagi ni Regine ang kanyang thoughts tungkol sa retirement at tiniyak niyang hindi siya pang “tambay mode” lang!

“‘Yung concept natin ng retirement is tumunganga ka na lang sa bahay mo. Ayoko din naman n’un, hindi rin ako sanay n’un,” wika niya.

“I kept thinking what am I gonna do next if I retire. I have to find something to do, mananahi ba ako? Bibili ba akong sewing machine? Maga-apply ako kay [stylist Rain Dagala] bilang mananahi but I have to find something to do. I don’t have to completely stop,” chika niya.

Dagdag pa ng mang-aawit, “Retirement means hindi ka totally kailangang tumigil. You just have to free yourself from the pressure.”

Inamin din ni Regine na mas nagiging challenging na ang pagkanta para sa kanya habang tumatanda.

Aminado siyang hindi na katulad ng dati ang kanyang boses, pero patuloy pa rin siyang lumalaban sa entablado.

Sa kabila ng usapang retirement, patuloy pa ring umaarangkada ang karera ni Regine matapos siyang tanghaling “Woman of the Year” sa Women in Music awards ng Billboard Philippines.

Sa kanyang acceptance speech, may paalala pa siya sa kapwa artists na manatiling mangarap at pagtrabahuhan ito.

The post Regine Velasquez may huling bonggang concert bago mag-retire, pero… appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments