Mark Alcala nag-leave sa work para sa birthday trip ni Kathryn Bernardo?

KALAT ngayon na missing-in-action si Lucena City Mayor na si Mark Alcala upang makasama sa out of the country trip ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo para sa kanyang birthday.
Kahapon, March 26, ipinagdiwang ng aktres ang kanyang 30th birthday.
Kaya naman marami sa mga netizens ang nag-iisip kung kasama ba si Mark sa international trip ni Kathryn.
Nagsimula rin kasi ang palaisipan kung totoong magkasama ang dalawa dahil sa sinabi ng netizen na namataan niya ang dalawa sa airport na papuntang Bangkok, Thailand.
Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo, Mark Alcala spotted nagde-date sa mall?
Mas lalo pang tumibay ang hinala ng netizens matapos mag-post ng Public Information Office ng Lucena ng mga larawan mula sa kanilang flag ceremony at ang pagbibigay nila ng parangal sa mga nagwaging opisina sa ikatlong taon ng “Purple Your Office Contest 2026”.
Base sa mga larawan ay tanging ang bise alkalde na si Dondon Alcala ang present sa event.
Walang nakita kahit anino ni Mark sa event kaya tumindi ang hinala ng netizens na marahil ay nag-leave ito sa trabaho bilang alkalde.
Marami rin ang nainis dahil madalas na itong mamataan dito sa Metro Manila kung saan nakatira si Kathryn at tila nawawalan na ng oras sa kanyang tungkulin bilang mayor ng Lucena.
May mga nagsasabi pa nga na baka namataan ang dalawa sa isang mall na namimili ay dito nila gagamitin sa kanilang international trip.
Anyway, nanatili pa ring tikom sina Kathryn at Mark hinggil sa kanilang relasyon.
Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ng dalawa hinggil sa isyu.
The post Mark Alcala nag-leave sa work para sa birthday trip ni Kathryn Bernardo? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments