Responsive Ad

Juliana Gomez, Ricci Rivero nag-lunch, nag-bonding kasama si Richard Gomez

Juliana Gomez, Ricci Rivero nag-lunch, nag-bonding kasama si Richard Gomez
PHOTO: Facebook/Jennie Po

MUKHANG hindi na lang basta “casual” ang namumuong relasyon umano nina Juliana Gomez at Ricci Rivero.

Lalo kasing umugong ang mga chika matapos silang mamataang nakikipag-bonding pa sa mismong ama ni Juliana na ang actor-politician na si Richard Gomez.

Sey ng mga nakakita, game na game ang trio habang nagla-lunch sa isang restaurant kasama pa ang ilang kaibigan. 

Base ito sa mga larawang ibinahagi ng kaibigan at fan ni Richard na si Jennie Po sa kanyang Facebook page noong March 13.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero, Juliana Gomez spotted na magka-holding hands, magdyowa na nga ba?

“Catching up with Richard Goma Gomez over lunch after so long — and the stories just kept coming. Nice seeing Juliana Gomez and Ricci Rivero too,” ang caption na mababasa sa naturang post.

Sa mga kuha, kitang-kita na magkatabi sina Juliana at Ricci sa lamesa habang kumakain sa isang restaurant, habang si Richard naman ay nakaupo sa kabilang side ng mesa katabi si Jennie.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F734630119600269%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

Matatandaang unang nabalitang may “something” kina Juliana at Ricci noong huling bahagi ng nakaraang taon matapos silang makita sa iba’t ibang pagkakataon na magkasama.

Isa na nga rito nang personal na sinuportahan ni Ricci si Juliana sa fencing game nito sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.

Nasundan pa ito noong Enero nang makita ang dalawa sa isang shopping mall na magkahawak-kamay habang naglalakad.

Sa kabila ng sunod-sunod na sightings, tikom pa rin ang bibig nina Juliana at Ricci pagdating sa tunay na estado ng kanilang relasyon sa ngayon.

The post Juliana Gomez, Ricci Rivero nag-lunch, nag-bonding kasama si Richard Gomez appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments