Responsive Ad

Pag-graduate nina Geneva, Angelica, Wilbert, Sachzna dapat bang imbestigahan? 

Pag-graduate nina Geneva, Angelica, Wilbert, Sachzna dapat imbestigahan? 
Wilbert Tolentino, Geneva Cruz, Angelica Yulo at Sachzna Laparan

HOT topic ngayon sa social media ang sabay-sabay na pag-graduate nina Geneva Cruz, Angelica Yulo, Wilbert Tolentino, at Sachzna Laparan.

May mga kumukuwestiyon kasi sa pagtatapos ng apat na personalidad sa naganap na 86th Commencement Exercises ng Philippine Christian University (PCU).

Naganap ang graduation ceremony sa Philippine International Convention Center, Pasay City, last March 13, 2026.

Pare-pareho silang nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Office Administration sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ng PCU.

Nalaman ng madlang pipol ang kanilang pag-graduate matapos silang maglabas ng mga litrato sa social media na kuha sa kanilang graduation day.

Base sa mga nabasa naming reaksyon ng mga netizens, may mga nagsa-suggest na sana’y imbestigahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang sabay-sabay na pag-graduate ng mga naturang personalidad.

Kung matatandaan, nasangkot na rin sa kontrobersya ang PCU noong August, 2023, nang maglabas ng show cause at cease-and-desist order ang CHED dahil umano sa unauthorized transnational and distance education programs.

Ang dalawa pang celebrity na nakapagtapos sa PCU ay sina Manny Pacquiao at Karla Estrada.

Nagsalita na si Sachzna tungkol sa pagkuwestiyon sa kanyang college diploma na umano’y binili lang daw niya.

“Nasasaktan ako sa ibang articles na nababasa ko na sinasabing binili ko daw ang diploma ko. Una sa lahat, hindi ganu’n ang pagkakakilala ko sa Philippine Christian University (PCU).

“Isa sila sa mga university na pro-working student at may magandang program para sa mga taong sobrang busy pero gusto pa rin makapagtapos ng pag-aaral.

“Pangalawa, parang ini-invalidate ninyo yung pagod, effort, at dedication ko para makapagtapos.

“I hope mas maging masaya na lang tayo sa achievements ng isa’t isa. Napakadami na masyado nangyayari sa Pilipinas. Gawin natin inspiration ang bawat isa,” sey pa ng social media personality.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag o paliwanag ng iba pang nabanggit na personalidad.

The post Pag-graduate nina Geneva, Angelica, Wilbert, Sachzna dapat bang imbestigahan?  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments