‘Kabaklaan’ nina Tito Marsy at Tito Abdul binasbasan ni Boy Abunda
INAAKUSAHAN ng ilang netizens ng “queer-baiting” ang mga sikat na content creator na sina Tito Marsy at Tito Abdul.
Sa mga hindi pa masyadong nakakakilala sa dalawang comedian-vlogger, sumikat sila sa paggawa ng mga LGBTQ-themed content sa social media bilang mga beki.
Mas lalo silang nakilala ng publiko nang maging bahagi sila ng Kapuso series na “Sanggang Dikit FR” na pinagbidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kung saan bading din ang kanilang role.
Pero marami nga ang pumupuna sa dalawang komedyante at inaakusahan sila na ang ginagawa nilang pagbabakla-baklaan ay maliwanag na queer-baiting.
Puro gay characters kasi ang pino-portray nina Tito Marsy at Tito Abdul, pero sa tunay na buhay ay mga lalaki talaga sila at babae pa rin ang gusto.
Ang queer-baiting ay ginagamit para makakuha ng audience mula sa LGBTQIA+ community kahit na ang totoo ay mga straight sila.
Sa guesting nina Tito Marsy at Tito Abdul sa Kapusovodcast na “Your Honor” hosted by Chariz Solomon and Buboy Villar ay napag-usapan nga ang tungkol sa naturang issue.
Sey ng magkaibigan, nakausap daw nila ang King of Talk na si Boy Abunda at nagtanong kung tama o mali ba ang kanilang ginagawa.
Ayon kay Tito Marsy, “Tinanong namin. Tito Boy, kasi ang daming nagsasabi na queerbaiting daw ‘yong ginagawa namin. So gusto naming humingi ng advice sa ‘yo kung totoo ba.”
“Kasi gusto rin naming malaman kung totoo ba,” aniya pa.
Ayon naman kay Tito Abdul, ang sabi sa kanila ni Tito Boy, “’Walang masama sa ginagawa n’yo. Tandaan n’yo, mga actors kayo. Nagpapasaya kayo ng tao. Talent ang mayroon kayo.’ Yun ang sinabi niya.”
The post ‘Kabaklaan’ nina Tito Marsy at Tito Abdul binasbasan ni Boy Abunda appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments