Responsive Ad

Jeric Gonzales nag-sorry kay Rabiya Mateo, ipinaglaban ang relasyon pero…

Jeric Gonzales nag-sorry kay Rabiya Mateo, ipinaglaban ang relasyon pero...
Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

IPINAGLABAN ng ex-celebrity couple na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo ang pagmamahal nila sa isa’t isa pero hanggang du’n na lang daw talaga ang kanilang love story.

Kinumpirma ni Jeric sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” na totoong hiwalay na uli sila ni Rabiya after ng ilang taon nilang relasyon.

Pero ayaw nang magdetalye ng Kapuso actor tungkol sa dahilan ng kanilang breakup kasabay ng pagkumpirma na one year na siyang single ngayon.

“Si Rabiya kasi, wala siyang binanggit about sa topic na ‘to, about sa breakup. So parang bilang respeto sa kanya, Tito Boy, ayokong magsalita about it,” ang sabi ni Jeric.

Mutual decision daw nila ni Rabiya na maghiwalay na pagkatapos nilang ipaglaban at mag-try i-save ang kanilang pagmamahalan.

“But of course, there are things din mutually na nakapagsunduan din namin na parang kung ilalaban natin ‘to, mas mahihirapan tayong pareho. Parang, we have to grow,” saad ni Jeric.

In fairness, magkaibigan pa rin naman daw sila ng Kapuso actress at former beauty queen kahit na naghiwalay na sila.

“And of course, she loved me for who I am. I mean showbiz, it’s very difficult na magkaroon ng relasyon, but lahat inintindi niya ‘yon. Malawak siyang tao, si Rabiya,” aniya pa.

Sa huli, humingi rin siya ng paumanhin sa dating girlfriend, “Sorry kasi sana nga masamahan ko pa siya ngayon sa lahat ng journey niya. 

“I’m proud of her, and I wish her all the best pa rin sa lahat ng ginagawa niya,” ang pahayag pa ni Jeric.

The post Jeric Gonzales nag-sorry kay Rabiya Mateo, ipinaglaban ang relasyon pero… appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments