Paano nakilala ni Ron Angeles ang babaeng kasama niya sa sex video?
HININGAN ng malaking halaga ng pera ang hunk actor na si Ron Angeles kapalit ng pagbibigay sa kanya ng access sa kanyang viral sex video scandal.
Nagsalita na si Ron hinggil dito kung saan idinetalye nga niya ang tungkol sa pagkalat ng kanyang private video sa social media na pinagpiyestahan ng madlang pipol.
Sa panayam sa kanya ng talent manager at host na si Ogie Diaz, sinabi ni Ron na tinangka pa nilang pigilan ng kanyang talent management ang paglabas ng video noong 2025.
“Nu’ng last year po, nalaman namin na may video nga na nagli-leak. Nalaman namin kaagad. Then, trinay ng management na kausapin. Kung sino yung source.
“Kung pwede ba, huwag n’yo nang ilabas yan. Huwag n’yo nang ituloy. So, nagbigay sila ng certain amount na gusto nyo bang mapanood muna? Panoorin n’yo muna kung talagang siya. Kumbaga, do-double check lang,” ani Ron.
“Mataas ‘yung presyo na hinihingi nila nu’ng una, na, o, ‘para maka-access ka rito, mapanood mo, kailangan mo magbayad ng ganito. Pero hindi mapupunta sa ‘yo ‘yung video. Access lang. Para lang mapanood mo siya.’
“So, siyempre, ang ano naman, ang management ko naman, hindi ‘yan. Kumbaga, naisip rin nila na kahit bayaran kita ng malaki, ilalabas siya at ilalabas. So na-stop naman po namin siya last year na hindi kumalat,” paliwanag ng binata.
Naikuwento rin ng aktor kung paano niya nakilala ang babaeng kasama niya sa video, “To be honest, hindi ko siya kilala personally. Pinakilala lang siya sa akin ng dati kong kaibigan.
“Word of mouth. Kami, mga lalaki, kapag, ‘Uy pare, papakilala ko sa ‘yo, trip ka raw niya, ganito, ganyan.’ So ‘yung mga ganu’n ba na, gusto ko daw makilala ni ganito, ganyan.
“So sabi ko, single naman po ako. Wala naman akong girlfriend that time, hanggang ngayon. So parang ako, nagdyo-joke pa ako sa kanya. Oh, sabi ko, ‘Baka mapahamak ako d’yan.’
“Sabi ko, sino ba ‘yung pinapakilala mo? Kaibigan mo ba talaga yan?’ Tapos ‘yun, parang ipinakita lang ‘yung picture, ganyan,” aniya pa.
Inamin ng aktor na nakaramdam siya ng “something” noong mag-meet up sila ng girl, “Kung saan nangyari ‘yun, doon din naman ako nakatira dati. Sa kabilang building lang po ako.
“So ako parang, oh, sa kabilang building lang ‘to, ah. Parang ako, tumawid lang ako, na parang hindi na ako lalabas. Pero grabe ‘yung kaba ko. Hindi ko alam kung bakit.
“Sabi ko, parang may mali. Kaya sabi ko nga po, nu’ng napanood niyo ‘yung video, talagang parang may hinahanap ako eh,” saad ni Ron.
Pagpapatuloy pa niya, “May hinahanap talaga ako. Siyempre ako parang, alam ko, pwede nang ilagay ‘yung camera sa bumbilya. Alam ko na may camerang maliit.
“So ‘yung mga ganu’n na…pero ‘yung natatandaan ko pa eh, kung saan nakalagay ‘yung camera na ‘yun, ‘yung anggulo na ‘yun, shelves ‘yun. Wala kang makikita doon na…di mo talaga makikita kasi sobrang dilim.
“Kasi kung sa video, kung napanood n’yo po talaga ‘yun, may moment na tinitingnan ko talaga ‘yun. Na parang naka-forward lang ako sa kanya na ganyan.
“Mga straight look na ako na…talagang hinahanap ko. Pero wala. Wala na. Sabi ko nga, d’yan na ‘yan,” pagbabahagi pa ni Ron.
Feeling na-set up daw talaga siya ng kanyang kaibigan, “Isa lang ‘yung pwede kong masabi na feeling ko ipinahamak niya ako. I mean, hindi ko alam kung ako lang ba yung pinakilala mo doon.
“Ako lang ba yung una. Kung pang-ilan ako, ibig sabihin alam mo kung ano yung nangyayari. Kumbaga, nandu’n yung intention mo.
“So ako…hindi ko iisipin, eh. Kinalimutan ko na siya na eh. I mean, nag-reach out pa ako sa kanya last year. Nagbigay ako ng warning sa kanya. Sabi ko, ‘pinahamak mo ko, bro.’ Tsaka yung ginawa mo sa akin, panghabang buhay na,” lahad pa niya.
Pero sey ni Ron, wala naman daw siyang sinisising ibang tao sa mga nangyari kundi siya rin.
“Tulad nga po ng sinasabi ko, wala na akong ibang dapat sisihin. Kasi, wala, nangyari na po yun, eh. Nagawa ko rin naman yun. So, kung may dapat sisihin dito, ‘yung sarili ko rin.
“Kasi hindi rin ako naging maingat. Kumbaga, bilang bagito, pabugso-bugso rin ang damdamin,” aniya pa.
Samantala, tuloy pa rin ang legal action ni Ron hinggil sa nangyari, “Actually, marami na, simula nu’ng nangyari ‘yung issue talaga, mas pinili namin na gumawa ng actions kaysa magsalita sa publiko.
“Mas una namin ginawa ‘yun. Kasi nga ako, kung ako tatanungin mo, ayoko nang pag-usapan. Gusto ko na rin siyang hayaan na lang. Na parang, katulad nga ng sinasabi nila na…mawawala rin yan.
“So, ganu’n ‘yung lagi ko naririnig. Pero, nung naisip ko rin naman na parang, kung walang magsasalita dito, kung walang lalaban, marami at marami pa ‘yung mabibiktima,” sey pa ni Ron.
Sa pagkakaalam niya, aabot sa 50 ang biktima ng sindikatong nagpapakalat ng mga private video ng mga artista.
“Hindi lang kami. Totoo. So, kung ito yung way para mapigilan na yung kung ano man yung ginagawa nila. Kasi, sa mga information na nalaman ko na ‘yun, more than 50 na kami na nabiktima nila.
“Nu’ng nalaman ko yun, du’n ko parang naisip na gamitin ko na ako na ‘yung nangyari sa akin. Gamitin ko na yung experience ko mismo.
“Kung ito ‘yung kailangan kong gawin, kung kailangan kong magsalita para i-inform ‘yung mga tao or inform ‘yung mga victims to encourage them na huwag kayong matakot. Magsalita kayo, pwede n’yo kami i-reach out,” saad pa ni Ron.
Bukod kay Ron, ang iba pang celebrities na may video scandal ay sina Nikko Natividad, Arron Villaflor at Gil Cuerva.
The post Paano nakilala ni Ron Angeles ang babaeng kasama niya sa sex video? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments