Responsive Ad

Holy Week 2026 ganap nina Alden Richards, Barbie, Heart, Ogie, KimJe 

Holy Week 2026 ganap nina Alden Richards, Barbie, Heart, Ogie, KimJe 
Jerald Napoles, Kim Molina, Ogie Diaz, Alden Richards at Barbie Forteza

KNOWS n’yo ba kung saan magpupunta at magbabakasyon ang inyong mga paboritong artista ngayong Semana Santa?

Para sa halos lahat ng celebrity na tuluy-tuloy ang pagtatrabaho nitong mga nagdaang buwan at taon, ang pamamahinga nang ilang araw ang kanilang inaasam-asam.

Ito rin ang perfect time para makapag-rest ang mga super busy na artista at makasama ang kanilang pamilya at iba pang mga mahal sa buhay.

Narito ang mga plano at ganap ng ilang kilalang celebrity ngayong Semana Santa 2026:

ALDEN RICHARDS

“Siguro dito lang kami ng family. Just spend time together. It’s been a while. Medyo since na-busy tayo during the first quarter of the year. Wala akong masyadong time with them.

“Reflect, of course. Since lumaki naman ako na ang Holy Week talaga ay time for reflection and repentance, and we offer it to Lord Jesus Christ.”

BARBIE FORTEZA

“Mina-maximize ko na talaga ‘yung free time ko with my family because my whole family is here, my sister, my brother-in-law, and my nephew.

“Kami lagi magkakasama ng buong pamilya ko so feeling ko, ‘yun na ‘yung parang magiging Holy Week ko,” ani Barbie sa flat ng “24 Oras.”

EA GUZMAN & SHAIRA DIAZ

“Itong Holy Week na ito, para rin sa akin, gusto kong magnilay-nilay siyempre. Gusto ko ibigay kay God, kasi ‘yung mga nangyari in the past few months, super blessed. 

“And especially the wedding pa lang na sobrang successful, talagang lahat we lift it up to the Lord.”

HEART EVANGELISTA

“Ayun magtatrabaho pa rin ako. I won’t be here for Holy Week, I have work. Enjoy the moment, I mean if you have a break, enjoy your life with your loved ones.”

KIM MOLINA & JERALD NAPOLES

“Out of the country kami kasi di ba, parang Holy Week and Christmas lang ang medyo mahaba-habang bakasyon natin kaya susulitin na namin,” ani Jerald.

Sey ni Kim, “Medyo mini-honeymoon na rin siya. Kasi si Je, magiging busy na siya sa next teleserye niya. So, at least, lipad muna kami elsewhere ng very very light.”

Ayon kay Jerald, “Kasi pagbalik naman, simula na ng trabaho uli, kasama ako sa ‘Sigabo’ ni Direk Coco Martin. So tuloy-tuloy na yun.”

OGIE DIAZ

“Every Holy Week ako ay nagpa-Pabasa kasi chairman ako ng Pabasa namin sa Loreto (Manila) kung saan ako ipinanganak. 

“So, ayun, parang nag-reunion na rin kami ng mga kababata ko doon. Kailangan lang na maraming laman ang bulsa mo. 

“Pagdaan mo pa lang sa kalsada, sa kanto, may mga ano na (manghihingi)…pang-inom, pangkain, pambili ng yosi.

“Tradisyon na talaga kasi mula pa nu’ng bata ako bumabasa na ko sa Pabasa. Kaya lagi akong excited kapag Pabasa. Kapag nasa abroad naman ako, inihahabilin ko yung Pabasa, kailangan talagang every year yun. Panata na talaga.”

The post Holy Week 2026 ganap nina Alden Richards, Barbie, Heart, Ogie, KimJe  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments