Responsive Ad

Gwapong aktor itinatago raw ang pagiging ‘gay’ umano, true kaya?

Gwapong aktor itinatago raw ang pagiging 'gay' umano, true kaya?

BINULUNGAN kami ng isang kilalang personalidad na diumano’y “gay” ang isang gwapong aktor, na ikinakunot agad ng noo namin dahil sa totoo lang, wala kaming makitang bakas.

Nasabi pa nga namin, “Ang gwapo niya, ah!”

“Bakit, marami namang baklang gwapo,” agad na depensa ng source.

Dahil curious, muling binalikan namin ng tingin ang aktor para mas obserbahan.

Baka Bet Mo: Aktres ma-awkward kaya sa pagdalaw ng aktor sa show nila?

Wala talaga kaming mapuna, ibang-iba kumpara sa isa pang aktor na halos perpekto ang dating: tall, dark, and handsome, dahilan kaya maraming may crush.

Pero sa kaso ng huli, napansin namin ang paminsan-minsang pagpilantik ng mga daliri, at kalaunan, may mga lumabas pang larawan na iba ang awra.

Ilang beses na rin siyang natsitsismis na “gay.”

Going back sa gwapong aktor sa blind item, nagkaroon na rin ito ng girlfriend, pero nauwi rin sa hiwalayan.

Kaya naman, muli naming tinanong ang aming source tungkol dito.

“Bakit, marami namang baklang may dyowang babae. Nagkakahiwalay din,” paliwanag niya.

Sey pa ng aming source, “Marami akong friends na nakakita sa kanya at sila na mismo ang nagkukuwento, nakikita ‘yan sa private events.”

Sa kabila ng lahat ng ito, aminado kaming hindi pa rin kami kumbinsido.

Sa aming obserbasyon kasi, wala naman kaming nakikitang “malambot” sa kanyang kilos bagama’t kapansin-pansin ang pagiging malapit niya sa kanyang ina.

The post Gwapong aktor itinatago raw ang pagiging ‘gay’ umano, true kaya? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments