Responsive Ad

Lance Carr nag-explain sa viral ‘mukhang g*go’ video sa beauty pageant  

Lance Carr nag-explain sa viral 'mukhang g*go' video sa beauty pageant  
Lance Carr

NAGPALIWANAG ang Viva Artists Agency (VAA) talent na si Lance Carr sa kanyang viral video habang kumakanta sa isang beauty pageant.

Naging hot topic sa social media ang pagkanta ni Lance ng “Harana” sa coronation night ng Miss City of San Fernando 2026 kamakailan.

Pinagpiyestahan ang kanyang viral video kung saan sumakto ang pagkanta niya sa lyrics ng “Harana” na, “Sino ba ‘tong mukhang g*go,” sa pag-assist niya sa isang kandidata sa stage.

Maraming naloka sa naturang video clip na inakala ng ibang netizens na ang isang kandidata sa beauty pageant ang pinatutungkulan ni Lance na “mukhang g*go.”

“Okay naman, parang natuwa ako na madaming nakakita, pero it wasn’t intentional. It really wasn’t directed towards the candidate. Actually, ‘yung lyrics naman, it was referring to me,” ang depensa ng aktor sa panayam ng media.

“Nagkataon lang sa flow ng program na bababa talaga ‘yung candidates, and I was there to help them go down. Siyempre, mataas ‘yung heels nila. Sumakto lang talaga ‘yung lyrics,” esplika pa niya.

Sabi pa ni Lance, hindi raw talaga siya sumagot agad sa isyu dahil feeling niya hindi naman kailangan dahil alam niyang wala siyang ginawang kasalanan o pagkakamali.

“I mean, it’s typical Filipino humor that you see on social media. I’m okay, as long as hindi ina-attack ‘yung candidate at hindi rin ako ina-attack. Sana lang hindi personalin pati ‘yung trabaho ko.

“As long as I know within myself na I didn’t do anything wrong or malicious, confident ako na I don’t need to speak up about it. 

“At the end of the day, I know my intentions were purely to entertain. Everything can be misinterpreted, so probably ingat na lang next time,” aniya pa.

Kasama si Lance sa cast ng upcoming horror movie na “Rosario” with Aubrey Caraan, Yumi Garcia, Meg Imperial, Jairus Aquino, Suzette Ranillo, Rose Van Ginkel, and Bernadette Allyson.

This is directed by Roni Benaid and showing sa mga sinehan simula sa April 22.

The post Lance Carr nag-explain sa viral ‘mukhang g*go’ video sa beauty pageant   appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments