Responsive Ad

TikTok star Harry Daniels sa panghaharana kay John Cena: My bad…sorry

TikTok star Harry Daniels sa panghaharana kay John Cena: My bad...sorry
John Cena at Harry Daniels

VIRAL at trending ang video ng “panghaharana” ng TikTok star na si Harry Daniels kay dating World Wrestling Entertainment (WWE) superstar John Cena.

Pinagpiyestahan ng mga netizens sa social media ang video ni Harry kung saan makikitang nilapitan niya si Cena habang ito ay nakaupo sa isang café.

Kasunod nito ay walang sabi-sabing kumanta sa harap ni John Cena ang internet sensation ng “Invisible String” ni Taylor Swift.

Base sa napanood naming video, mukhang nagulat ang WWE icon sa paandar ni Harry. Tumayo ito sabay abot sa kanyang kamay sa TikTokerist.

Ani Cena, “Start with a hello. How are you doing? Nice to meet you, I’m John.”

At nang nagpakilala na nga si Harry, tinanong siya ni Cena, “Would you like to sing now? And for what purpose?”

Sagot ni Harry, “Because I sing to everyone. It’s my job.” Nginitian lang siya ni Cena sabay dialogue ng, “Well, I’m not buying what you’re selling. Thanks, though.” 

Sagot naman ng TikTokerist, “Okay! Thank you!”

Kasunod nito, humingi naman ng paumanhin si Harry sa kanyang ginawa, “I saw John Cena at a cafe and I tried singing for him, but my approach was so bad that the whole thing went haywire. 

“Ok this one’s on me cuz I had no no decorum. My bad, sorry John Cena,” ang caption ni Harry sa kanyang video.

Nakilala sa TikTok si Harry dahil sa kanyang mga video kung saan nilalapitan niya ang mga kilalang celebrity sa mga private moments ng mga ito at kakantahan.

Narito ang ilang comments ng mga nakapanood sa video nina Harry at John Cena.

“There used to be an unwritten rule where you leave people alone.”

‘He deserves his personal time too. Respect.”

“Cena is dope if you don’t run up on him filming and s*, super chill dude if you treat him like a normal human.”

“People are becoming more and more socially UNAWARE. It’s an epidemic.”

“John Cena being very polite and respectful as always.”

“Why can’t people leave him alone and be respectful if they approach him.”

The post TikTok star Harry Daniels sa panghaharana kay John Cena: My bad…sorry appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments