Responsive Ad

Jose Manalo humingi ng dagdag-sweldo nang mahulog sa kanal sa Sugod Bahay

Jose Manalo humingi ng dagdag-sweldo nang mahulog sa kanal sa Sugod Bahay
Jose Manalo

BINALIKAN ng TV host-comedian na si Jose Manalo ang araw nang mahulog siya sa kanal habang nasa “Sugod Bahay” segment ng “Eat Bulaga.”

Sa panayam ng “Toni Talks”, sinabi ni Jose na hinding-hindi raw niya makakalimutan ang tagpong iyon dahil ilang araw din itong nagdulot ng “trauma” sa kanya.

Pero sey ng veteran comedian, ginamit daw niya itong oportunidad para manghingi ng dagdag ng sahod sa management.

Natanong ni Toni Gonzaga si Jose kung ano ang pinakatumatak na alaala niya sa nasabing segment ng “Eat Bulaga”.

“Anong pinakamemorable n’yong ‘Sugod Bahay?'” pag-uusisa ni Toni sa komedyante at host.

Sagot ni Jose, “Nu’ng nalaglag ako sa kanal. Talagang Malabon. Hindi siya nakita sa camera. Pero naka-video!”

“Inisip ko, hindi ako hihinga. Hindi ko ibubuka ang bibig ko. Aahon agad ako,” aniya pa.

Kasunod ng hindi inaasahang insidente sa “Sugod Bahay”, tinawagan daw siya agad ng kanilang “Sir” para kumustahin ang kanyang kalagayan.

“‘Ano’ng nangyari? May mga open wound ka ba?’ sabi sa akin. Meron po, (sagot ko). ‘Nasaan?’ Ito po ‘di ba ‘yung nasa mukha ko,” chika ni Jose. 

Hirit pa niya, “Sabi niya (ni Sir), ‘Hindi ‘yan! Puro ka kalokohan. Nag-aalala kami sa ‘yo. May nainom ka ba? Anong gusto mo?’ Sabi ko, Sir, dagdagan n’yo po ‘yung sahod namin.”

Inamin din ng original Dabarkads na totoong napapanaginipan pa raw niya noon ang amoy ng kanal kahit natutulog na siya, “Ganu’n siya kalupit!”

Nangyari ang nasabing insidente noong June, 2016, siyam na taon na ngayon ang nakararaan. 

The post Jose Manalo humingi ng dagdag-sweldo nang mahulog sa kanal sa Sugod Bahay appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments