Janella Salvador, Klea Pineda bumili ng bonggang-bonggang property
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagbili umano ng malawak na lote ng rumored couple na sina Klea Pineda at Janella Salvador.
Wala pang diretsahang pag-amin ang dalawang aktres tungkol sa tunay na estado o label ng kanilang relasyon pero marami ang naniniwala na matagal na silang magdyowa.
Ito’y base na rin sa mga ipino-post nila sa social media kung saan makikita ang kanilang sweet bonding moments together, kabilang na ang pagbabakasyon nila sa ibang bansa.
Base sa isang video na inilantad ng mga fans, bumili raw ng lote sina Janella at Klea pero hindi naman binanggit kung saan matatagpuan ang naturang property.
Maririnig sa nasabing video, “Grabe ang lawak ng lupa na nabili nina klea at Jea. Congrats klea and Janella. Sobrang deserve nyo yan.”
Mababasa naman sa caption ng nag-upload ng video, “Deserve nyo yan Klea and Janella.”
Makikita rin sa video ang dalawa habang tinatanggal ang tarpaulin na may nakasulat na “Lot For Sale” at sa ending nito ay bumandera ang litrato na nakuha nila ang certificate ng lote.
Bukod dito, kalat na rin sa socmed ang mga litrato at video ng rumored couple kung saan makikita silang magka-holding hands habang naglalakad sa Mactan-Cebu International Airport.
Sabi ng isang fan na nag-post ng video ng dalawang aktres sa TikTok, “The kind of chemistry you can’t fake. ctto.”
Hirit naman ng isang netizen, “Janella Salvador at Klea Pineda naaktuhan holding hands sa Cebu Airport!”
“Yung dalawa happy at enjoy sa kung anong meron sa knila, ang mga basher stress,” ang caption naman sa isa pang TikTik vodeo.
Nagsimulang mabalita ang pagkakamabutihan nina Klea at Janella nang gawin nila ang 2025 Cinemalaya queer film na “Open Endings.”
The post Janella Salvador, Klea Pineda bumili ng bonggang-bonggang property appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments