Responsive Ad

Edu Manzano nagyabang: Galing nga pala ako sa gasolinahan!

Edu Manzano nagyabang: Galing nga pala ako sa gasolinahan!
Edu Manzano

NAGPASABOG na naman ng katatawanan sa gitna ng problema at tensiyon sa Middle East ang veteran actor na si Edu Manzano

Laugh nang laugh ang madlang pipol sa naging hirit ng aktor at TV host nang ibandera niya sa buong universe ang pagpunta niya sa gasolinahan.

Chika ni Edu, hindi raw niya ugaling magyabang tungkol sa mga mamahaling lugar na napupuntahan niya.

But this time, hindi raw niya mapigilan ang sarili na ipagyabang sa lahat na nagpunta nga siya sa isang gasolinahan.

“Hindi ko ugaling magyabang sa mga mamahaling lugar na napupuntahan ko pero kanina galing nga pala ako sa gasolinahan,” aniya.

Narito naman ang mga naging reaksiyon at komento ng mga netizens sa paandar ni Edu.

“In fairness, yayamanin level ka na now when you go to such places.”

“It makes sense!”

“Kung sa middle east hindi pa maxado effect pero dito sa pinas instant na.”

“Nice one mamahalin talaga.”

Obvious naman na ang tinutukoy ni Edu ay ang announcement ng pamahalaan sa posibleng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Sec. Sharon Garin ang pagtaas ng mga presyo sa petrolyo mula P17 hanggang P24 kada litro ay magsisimula ngayong linggo.

Ang sabi ni Garin sa naganap na pagdinig ng Committee on Ways and Means sa Kamara nitong Lunes, March 9, 2026, ini-report sa kanila ng mga oil firms sa bansa ang biglang pagtaas ng presyo sa petrolyo.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa patuloy na gulo at tensiyon sa pagitan ng Amerika at mga bansa sa Middle East, partikular sa Israel at Iran.

The post Edu Manzano nagyabang: Galing nga pala ako sa gasolinahan! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments