Responsive Ad

Ferdinand Topacio binarag ni Rep. Perci Cendaña: Kadiri! Isa kang dugyot! 

Ferdinand Topacio binarag ni Rep. Perci Cendaña: Isa kang dugyot! 
Ferdinand Topacio at Perci Cendaña

NAKIPAGBARDAGULAN si Akbayan Rep. Perci Cendaña kay Atty. Ferdinand Topacio matapos silang benggahin nito sa kanilang mga ipinaglalaban.

Hindi pinalampas ni Cendaña ang pang-ookray sa kanya ni Topacio pati na sa mga kasamahan niyang kongresistang sina Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila De Lima at Batangas 2nd district Rep. Jinky Luistro.

Pinatutsadahan kasi ni Topacio ang tatlong mambabatas sa ginanap na ika-89 Araw ng Dabaw noong Sabado, March 28.

Hirit ng abogado, “Si Luistro, si De Lima ang papangit….ng sinasabi! Puro pagbaluktot ng batas ang ginagawa. ‘Yang si Cendaña tabingi…ang katuwiran.”

Kasunod nga nito, niresbakan ni Cendaña sa pamamagitan ng isang Facebook post ang pambebengga ni Topacio sa kanilang tatlo nina De Lima at Luistro.

“Humirit na naman ang kadiring manyak. Wala ka sa kalingkingan nina Reps. Leila De Lima at Jinky Luistro. Magagaling at matatapang na babaeng abogado,” pag-alma ni Cendaña.

Dugtong pa niya, “Ika nga ni Jasmine Curtis-Smith, isa kang ‘dugyot.’”

Kung matatandaan, naunang tinawag na “dugyot” ni Jasmine si Topacio matapos siya nitong akusahan ng pagpapaseksi para lang sumikat at pagnasahan ng mga kalalakihan.

The post Ferdinand Topacio binarag ni Rep. Perci Cendaña: Kadiri! Isa kang dugyot!  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments