Responsive Ad

Mommy ni Enrique Gil hindi bet si Andrea Brown kaya todo-deny sa real score, true ba?

Mommy ni Enrique Gil hindi bet si Andrea Brown kaya todo-deny sa real score, true ba?
PHOTO: Screengrab from Instagram

HINDI boto ang mommy ni Enrique Gil sa iniuugnay sa kanya na internet personality na si Andrea Brown, kaya itinanggi ng huli na may relasyon sila ng aktor at prodyuser.

Ito ay base sa ipinadalang mensahe ng dalaga kay “Showbiz Update” host na si Ogie Diaz kasama si Mama Loi at sina Dyosa Pockoh, Tamerlane Mopia at Olver Carnay.

Nagsimula sa blind item na-tsimis na buntis umano si Andrea courtesy of Enrique, lalo’t nasama raw sila sa iisang bubong pero nagpa-sunshine (ipinalaglag).

Tsika ni Ogie, “Nakarating sa akin ‘yun, siyempre hindi ko naman kaagad mapaniwalaan ‘yun kapag may mga infos na dumarating dapat bigyan mo pa rin ng benefit of the doubt ‘yung mga subject o pinatutungkulan, so, siyempre minessage ko si Andrea.”

Baka Bet Mo: Enrique Gil gumanti, in-unfollow rin si Liza Soberano sa IG

“Sabi ni Andrea hindi raw totoo na siya ay nabuntis at nagpa-sunshine (laglag) at hindi rin daw totoo na sila ni Quen (palayaw ni Enrique). Kuya Quen ang tawag daw niya kay Quen, hindi rin totoong sila ay nagli-live in, nahihiya raw siya kay Quen kasi kuya-kuyahan niya,” patuloy pa ng showbiz insider.

Biglang nagsabi si Oliver ng, “Ay may palaka!”

Pag ganito ang reaksyon ng mga host na nasa likod nina Ogie at Mama Loi ay iisa ang ibig sabihin, hindi nagsasabi ng totoo ang subject.

Pagpapatuloy ni Ogie sa pagbasa ng mensahe ni Andrea, “I honestly want to speak up about it but I don’t wanna put more attention on the issue. Super nadadamay na rin kasi ang personal life ko sa rumors kahit sabihin ko sa sarili ko na as long as alam ko ang totoo of course na-apektuhan din po ang career ni Kuya Quen and nakakahiya po kasi nga hindi naman kami super close.”

Hirit ulit ni Oliver, “Ay palaka nga!”

Nagkatawanan ang lahat at sundot naman ni Mama Loi, “At tsaka ‘nay (Ogie) bakit siya sumagot, e, blind item (kasi) tinanong mo siya?”

Itinanggi ring hindi sila live-in at hindi rin sila ni Quen pero may mga larawang ipinakita sa “Showbiz Update” na close sina Enrique at Andrea at may kuha pang nakayakap ang dalaga.

“Wala pong reason na pumunta ako sa kanila,” diin pa ni Andrea kay Ogie.

Inulit uli ni Ogie ang tanong kung naging sina Quen at Andrea, “No po tito, friends lang, ha, ha, ha’

“Yun ang panig ni Andrea Brown, so it’s up to you people kung maniniwala ba kayo sa info o kay Andrea kayo maniniwala? Anyway, at the end of the day alam ni Andrea kung ano ang true at alam din ng aking source kung ano ‘yung true. At sabi ng source ko ay hindi raw gusto ng nanay ni Quen si Andrea.”

“Ang alam ko hindi gusto ni Tita Bambi (mom ni Quen) si Andrea. Mas type ni Tita Bambi si Liza (Soberano) kaysa kay Andrea pati mga kaanak ay ayaw, pero sabi naman ni Andrea ay wala raw silang relasyon ni Quen,” diin ni Ogie.

Huling larawang ipinakita sa vlog ay hawak-hawak ni Enrique ang buhok ni Andrea.

Ano nga ba ang totoo Andrea at Enrique? Bukas ang BANDERA sa panig ninyong dalawa.

The post Mommy ni Enrique Gil hindi bet si Andrea Brown kaya todo-deny sa real score, true ba? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments