Responsive Ad

Pangulong Bongbong Marcos hindi exempted sa Anti-Epal Policy – Claire Castro

Pangulong Bongbong Marcos hindi exempted sa Anti-Epal Policy – Claire Castro
Bongbong Marcos at Claire Castro

MARIING inihayag ng Malacañang na hindi “exempted” si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa ipinatutupad na Anti-Epal Policy.

Kumalat kasi sa social media ang isang tarpaulin ni PBBM na nakapaskil sa isang cash assistance distribution sa Quezon City at ito raw ay serbisyo at tulong mula sa pangulo.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, agad daw ipinag-utos ni PBBM na tanggalin ang tarpaulin.

“Unang-una, sa ating mga kababayan, noong nakita po ni Pangulong Marcos Jr. ang isang tarpaulin na mayroon siyang larawan, iyon po ay iniutos niyang tanggalin ang kaniyang larawan. 

“Kaya wala na po kayo, binigyan niya po ito, kinol out niya po ang DSWD,” ang sabi ni Usec. Castro.

Sentimyento pa ni Castro, “Mayroon po kasing mga nangyayari, kapag po hindi nakikita ang Pangulo at karamihan halimbawa ay nasa meeting lamang siya sa Malacañang, kapag hindi nakikita sa labas, ang sasabihin ng iba, nasaan ang Pangulo?” 

Dugtong pa niya, “Kapag naman nakikitang madalas at nakikita na gumaganap sa kaniyang mga programa, ang sasabihin ng iba namumulitika. 

“At ngayon, maraming nagsasabi, walang ginagawa ang Pangulo, pero ngayon ipinapaalam sa taumbayan kung ano ang proyekto ng Pangulo at sasabihin naman nila, pa-epal. 

“So, hindi natin alam ano ba ang nais ng mga taong ito. So, muli, ayaw ng Pangulo ng pa-epal,” aniya pa.

Ipinagdiinan pa ng press officer na hindi exempted si PBBM sa naturang batas, “Hindi po siya exempted. Pero tandaan po natin na dapat din pong malaman ng taumbayan bilang Presidente na ito ang kanyang proyekto para malaman ng taumbayan, assurance na ang Pangulo ay nandito para sa ating lahat.

Kamakailan, hinikayat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ang publiko na i-report ang mga politiko na lalabag sa Anti-Epal Law.

The post Pangulong Bongbong Marcos hindi exempted sa Anti-Epal Policy – Claire Castro appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments