Responsive Ad

Carlo Aquino 8 months lang nakipag-date kay Charlie, kasalan agad! 

Carlo Aquino 8 months lang nakipag-date kay Charlie, kasalan agad! 
Charlie Dizon at Carlo Aquino

PITO hanggang walong buwan lamang tumagal ang pagde-date ng celebrity couple na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Pero kahit ganu’n kaikli ang dating period ng mag-asawa, naging madali pa rin para sa kanila ang magdesisyon na magpakasal agad-agad.

Inamin ng lead actor ng pelikulang “A Special Memory” katambal si Bela Padilla, na naramdaman niyang si Charlie Dizon na ang the right one para sa kanya.

Sa guesting ng premyadong aktor sa “Fast Talk with Boy Abunda”, hindi naging mahirap para sa kanya na yayaing magpakasal si Charlie after eight months of being together.

“Mahal na mahal ko kasi si Charlie kahit na sobrang short lang ‘yung dating namin. Nag-decide ako na this is my friend, and this is my life partner,” rebelasyon ni Carlo.

“Tapos nag-decide ako na ito na, ito na ‘yong magiging life partner ko. Kaya ko siyang maging kaibigan, kaya ko siyang maging kaaway, kaya ko siyang mahalin. Lahat, kaya ko kasama siya,” sey pa ni Carlo.

Kung matatandaan, nangyari ang secret wedding nina Charlie at Carlo sa isang private resort sa Silang, Cavite noong June 9, 2024.

Last year, nag-post ng appreciation letter si Charlie para kay Carlo para sa kanilang first wedding anniversary.

“Happy Anniversary my love @jose_liwanag My number one annoyer… but also my absolute favorite person.

“It has been an adventure for us and I can’t wait to do even more with you. Thank you for doing life with me.

“I’m always grateful for your presence — for being my rock through our ups and downs, for bringing out the best in me. I see you, your effort, and your heart. 

“Here’s to us — perfectly imperfect, raw, and full of love,” buong message ng aktres sa asawa. 

Bago maging magkarelasyon ang dalawa, naging dyowa muna ni Carlo si Trina Candaza at biniyayaan ng isang anak, si Mithi.

The post Carlo Aquino 8 months lang nakipag-date kay Charlie, kasalan agad!  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments