Responsive Ad

Coco Martin sa pamamaalam ng Batang Quiapo: Naging buhay na namin ito

Coco Martin sa pamamaalam ng Batang Quiapo: Naging buhay na namin ito
Coco Martin

EMOSYONAL na nagpasalamat si Coco Martin sa madlang pipol na sumubaybay sa “FPJ’s Batang Quiapo” sa loob nang tatlong taon.

Mapapanood na ang finale episode ng hit action-drama series ng ABS-CBN sa darating na Marcg 13 na sinisiguro ni Coco na magmamarka sa mga manonood.

Sa “ASAP” nitong nagdaang Linggo, umapir ang cast members at mga direktor ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa pangunguna ni Coco.

“Tatlong taon. Gabi-gabi po sinamahan niyo kami sa inyong mga tahanan. Punung-puno ng pagmamahal at suporta po ang binigay niyo sa amin. 

“Kahit saan man po kaming istasyon mapadpad, nandiyan pa rin po kayo at hindi niyo kami binitawan,” pahayag ng aktor, direktor at producer.

Isa sa mga pinasalamatan niya ay ang yumaong si TV executive na si Deo Endrinal na siyang namumuno noon ng Dreamscape Entertainment.

“Kahit wala na po kayo dito, kayo po ang aming inspirasyon, kayo po ang nag-guide sa amin para mapabuti namin ang aming mga trabaho.

“Gusto kong pasalamatan ang lahat ng aking directors na talagang nag-buwis ng buhay, pagod, dugo para mapaganda po ang show. 

“Sa lahat ng mga actors na nagpapakahirap at pinagbubuti po talaga ang kanilang mga trabaho,” saad pa ng Teleserye King.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi lang siya teleserye na pinanonood n’yo sa gabi-gabi, talagang ginawa namin siyang pamilya, ginawa po namin siyang buhay na po namin.

“Ginagawa po namin ‘yong pinaka-best namin para mapaglingkuran kayo, mapasaya kayo,” mensahe pa ni Coco.

The post Coco Martin sa pamamaalam ng Batang Quiapo: Naging buhay na namin ito appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments