Responsive Ad

Women’s Month 2026: Paano protektahan ang sarili, iwas-rape tips

Women's Month 2026: Paano protektahan ang sarili, iwas-rape tips

Trigger Warning: Mention of sexual harassment, rape

SA pagdiriwang ng Women’s Month this year, nais naming i-BANDERA ang pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa karapatan at kaligtasan ng mga kababaihan. 

Araw-araw ay may nababalitaan tayong mga karahasan at krimen kung saan sangkot ang pananakit, panghaharas at panggagahasa sa mga kababaihan. 

Bagama’t ang sinasabi lagi ng mga opisyal ng pamahalaan at eksperto na ang tunay na paraan para maiwasan ang rape ay “huwag mang-rape”, may mga pwedeng gawin para maprotektahan ang sarili.

Paalala ng mga otoridad sa lahat ng mga biktima, ang hindi pagpalag dahil sa takot, pagkabigla, o pagbabanta ay hindi  nangangahulugang pagpayag sa sekswal na gawain.

Ang rape ay hindi kasalanan ng biktima (walang victim-blaming). Paulit-ulit na sinasabi ng mga otoridad na hindi tamang kaisipan na ang biktima ay ginahasa dahil sa kanyang damit o dahil naglakad siyang mag-isa sa madilim na lugar. 

Na-rape siya dahil ginamitan siya ng puwersa, pananakot o pagbabanta ng rapist. 

Sabi nga ng mga otoridad, ang pag-iwas sa rape ay kolektibong responsibilidad ng lipunan, kabilang na riyan ang pagtuturo ng respeto sa kababaihan at dapat panagutin ang mga taong patuloy na gumagawa ng karahasan.

Narito ang ilang gabay mula sa Philippine National Police at ilang grupo ng kababaihan upang makaiwas sa panganib.

1. Pag-iingat/Awareness 

*Maging alerto sa paligid – Ugaliin ang pagiging mapagmatyag sa mga taong nasa paligid at sa sitwasyon kahit nasaan ka man.

*Umiwas sa madidilim na lugar – Kung mag-isa, iwasang dumaan sa mga lugar na madilim, liblib, o walang tao.

*Maglakad nang may kumpiyansa – Maglakad nang mabilis, diretso, at siguruhin ang hakbang.

*Magdala ng proteksyon – Hangga’t maaari, magdala ng pepper spray o whistle (pito) na pwede n’yong gamitin sakaling masuong sa panganib.

*Mag-ingat sa social media – Huwag basta-basta magtitiwala agad sa mga taong nakilala lamang sa online o internet. Kilalanin munang mabuti ang tao bago makipagkita.

*Makipag-inuman nang may pag-iingat – Iwasang sumama sa mga hindi kakilala o hindi lubos na pinagkakatiwalaan kung nasa gimikan tulad ng mga party. 

2. Pag-aksyon Kapag Nasa Panganib

*Sumigaw ng “TULONG” – Gumawa agad ng ingay sa oras ng pag-atake para makakuha ng atensyon ng mga taong nasa paligid.

*Self-Defense – Matuto ng basic sa self-defense upang maipagtanggol ang sarili kapag nasa panganib ang buhay.

*Makipagbuno at tumakbo – Pwedeng gamiting panlaban ang anumang bagay na dala tulad ng payong, bag o anumang bagay na hawak para saktan at makawala sa suspek, at agad tumakbo sa ligtas na lugar.

*Huwag magpa-intimidate – Gamitin ang kuko o anumang parte ng katawan para kalmutin ang suspek dahil malaki ang maitutulong ng DNA test sa pagresolba ng kaso. 

3. Pag-unawa sa Karapatan (RA 8353: Anti-Rape Law of 1997).

Sa batas na ito, itinuturing ang naturang kaso bilang “crime against persons” sa halip na “crime against chastity”.

* * *

Para sa mga nais mag-report ng karahasan o krimen tumawag lamang sa PNP Hotline at contact numbers:

Emergency Hotline: 911

Alternative Emergency: 117

PNP Command Center (SMS/Text): 2920

Aleng Pulis Hotline (Women/Children): 0919-777-7377

8888 Citizen’s Complaints Center: 8888 

PNP Trunkline: (02) 8725-5115

PNP WCPC (Women and Children Protection Center): 02-8532-6690

The post Women’s Month 2026: Paano protektahan ang sarili, iwas-rape tips appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments