Responsive Ad

Karla Estrada umapela para sa PBB: Wag gawing karumal-dumal experience nila

Karla Estrada umapela para sa PBB: Wag gawing karumal-dumal experience nila
Vice Ganda, Karla Estrada at Lella Ford

NAG-REACT ang mag-inang Karla Estrada at Lella Ford sa ginawang pag-callout ni Vice Ganda sa mga toxic fans ng ilang “PBB Celebrity Collab Edition 2.0” housemates.

Nagpa-thanksgiving lunch si Karla kamakailan para sa mga fan clubs na sumuporta sa kanyang anak na si Lella Ford na siyang itinanghal na Kapamilya Big Winner sa “PBB Celebrity Collab.”

Dito nga nagbigay ng pahayag sina Karla at Lella sa diretsahan at matapang na komento ni Vice Ganda laban sa ilang pasaway na fans ng “PBB” housemates.

“Madami nga talagang toxic na fans ang mga PBB housemates. Mabababa ang functional literacy. 

“Kaya napapabuntong hininga na lang ang mga staff ng show pag guest yang housemates e kasi for sure may mga fantards na konting utot magmamaoy. Imbis na maexcite ang staff nasstress,” post ni Vice sa X (dating Twitter).

Ito’y matapos ngang mag-guest  si Lella at ang Kapuso Big Winner na si Caprice Cayetano sa “It’s Showtime.”

Pahayag ni Lella sa naturang issue, “Just always choose to be kind. Libre lang naman maging mabait, bakit mo pinagkakait yun sa ibang tao.”

Paalala naman ni Karla, karamihan sa mga housemates ay mga teenager at baguhan pa lamang sa showbiz, “Kaya huwag naman nating gawing karumal-dumal yung experience nila.

“Bigyan naman natin ng magandang experience yung mga batang artista. Wag natin silang buhayin sa negativity, bashing and all. Hindi na yan uso,” aniya pa.

Matatandaang nagbabala si Karla sa mga bashers na patuloy na nambabastos at nanghaharas sa kanyang anak matapos itong manalo sa “PBB.”

Ipinost ni Karla ang mga pangalan at profile photos ng ilang haters ng anak na may caption na, “Nasasanay tayo na mag bash lang ng di nyo iniisip naka tiwangwang mga profile nyo kasama nga anak, mga magulang at pamilya nyo.

“Pinadala lang sakin ito ng cyber libel team. hindi nyo kailangang mag lock ng profile ma checheck din kse lahat.

“Cge lang mambastos lang kayo. May balik lahat. May kahihinatnan to. nasira na ulo.”

The post Karla Estrada umapela para sa PBB: Wag gawing karumal-dumal experience nila appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments