Trulili ba, Jimmy Bondoc tatakbong vice president ni Sara Duterte?
NAGING usap-usapan sa social media ang balitang kakandidato umano bilang vice president sa Eleksyon 2028 ang singer-songwriter na si Jimmy Bondoc.
May mga nagsa-suggest kasi na bakit hindi raw tumakbong VP si Jimmy na isa ring abogado sa susunod na eleksyon bilang ka-tandem ni Sara Duterte na kakandidato namang pangulo.
Ngunit mismong ang OPM artist na ang nagsabing wala siyang planong tumakbong vice president sa 2028.
“Wala pong katotohanan. Biro lang ng marami ang mag VP po ako. Diretso at tapat ko pong sinasabi na kung tatakbo man ako, sa senado lang po. At kahit yun ay hindi pa sigurado. HINDI PO AKO TATAKBO BILANG VP.
“Kailangan po ni future President Sara ng malakas na katambal, na magdadala ng boto sa kanya mula sa iba’t ibang kulay, may kaunting kakayahang pinansyal, at ang magiging loyal sa kanya hanggang dulo. Ako po, loyalty lang po ang natatangi kong taglay dyan,” paglilinaw ni Jimmy.
Aniya pa, “Kahit biro, salamat po sa mga nagbanggit sa pangalan ko. At sa mga threatened sa akin, wag na sana. Kayo naman o. Magkakampi po tayo.
“Maniwala po kayo, wala man lang ako sa kalingkingan ng mga kinokonsidera bilang katambal ni Mam. Tulad ng sabi ni Pangulong Duterte, kaninyo, ako, magpabiling suluguon.
“Habang may kaunting atensyon po sa akin ngayon, let me use this momentary attention to remind our People of some important matters:
“(1) BRING HIM HOME. WALANG DAHILAN NA MANATILI SI TATAY DIGONG SA HAGUE. His letter says it all.
“(2) Walang sala si Bong Go at Bato. At kung meron man, dito rin sa Pilipinas sila dapat litisin. NAPAKASIMPLE po nito na konsepto – SOVEREIGNTY. Kasarinlan. Wag natin isuko ang kasarinlan alang-alang sa politikang lumilipas lamang. As you have seen recently, political alliances are everchanging. Nationhood is Forever;
“(3) Si Sara Duterte ay mabuting tao, at siya ang natitirang pag-asa ng bayan mailigtas tayo sa madilim na yugto na ito ng ating kasaysayan. Once elected, I guarantee that she will stop corruption at the source: sa budget. Tapos ang Pork..Ubos ang korap. At walang benggahan, kundi hustisya at tamang pagpapairal ng batas.
“Salamat sa panandaliang interes. Hindi po ako tatakbo bilang VP, at lalo namang hindi nanggaling sa kampo ko ang ideya na ito. Mga biro lamang ito na nakawala sa hawla.
“Pagdasal po natin ang Pilipinas. At lalo na si Inday Sara Duterte, na alam nating mula ngayon ay lalong haharap sa hamon. Alam ko na siya ay kukupkupin ng Panginoon at iaadya sa masama, para sa kinabukasan ng bayan natin,” pagbabahagi pa ni Jimmy Bondoc.
The post Trulili ba, Jimmy Bondoc tatakbong vice president ni Sara Duterte? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments