Responsive Ad

Alvin Aragon minolestiya ng bading sa edad 6; nakarelasyon rich gay TV host

Alvin Aragon minolestiya ng bading sa edad 6; nakarelasyon rich gay TV host
Alvin Aragon

INAMIN ng isa sa mga original StarStruck Avenger na si Alvin Aragon na may nakarelasyon siyang rich gay TV host.

Rebelasyon ng asawa ni former SexBombs Girl member Izzy Trazona, 15 years old daw siya nang maging sila ng mayamang beking celebrity.

Ayon kay Alvin, nang pumatol siya sa naturang TV host, ay hindi na raw iyon bago para sa kanya dahil sa murang edad ay may bading na raw na nangmolestiya sa kanya.

Muling sumulpot sa social media ang panayam kay Alvin ng premyadong veteran actress na si Amy Austria para sa YouTube vlog nito ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

Dito nga naikuwento ni Alvin ang ilang masaklap na pangyayari sa buhay niya, kabilang na ang ginawa sa kanya ng isang beki.

“If I’m not mistaken, nu’ng mga six or seven years old ako, hinila ako ng bading sa isang eskinita. 

“Tapos pinasok niya ako sa bahay niya. Yung ginamit niya yung katawan ko, tapos wala naman akong sinabihan na ganu’n. 

“Hindi ko naiintindihan na ano pala yun, child abuse na pala yun, pwedeng krimen pala yun. Pero nagtuluy-tuloy pa rin yung buhay ko,” pagbabahagi ng dating Kapuso actor.

Tungkol naman sa nakarelasyon niyang kilalang gay TV host, nagsimula raw ito nang agad siyang matanggal sa unang season ng original artista search ng GMA 7 na “StarStruck” kung saan itinanghal na Ultimate Survivor sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Ayon kay Alvin, nalungkot siya nang matanggal siya sa StarStruck hanggang sa may mag-offer sa kanya na mag-guest sa isang TV show.

“May nakilala akong isang mayaman na TV host, na bading, and then nagkagusto siya sa akin, at 15, 15 years old ako. 

“Iyon, madali na yun sa akin, kung ano yung gusto niyang mangyari kasi nga bago pa ako mapasok sa showbiz, nu’ng mamatay ang tatay ko, naging buhay ko na yun,” pag-amin pa ni Alvin.

Matatandaang umani ng batikos ang naging pahayag ng mister ni Izzy Trazona tungkol sa homosexuality kung saan hayagan niyang sinabi na malaking kasalanan sa Diyos ang kabaklaan.

“Eh, totoo naman, eh. Ano bang sabi sa Bible? God judged homosexuality.

“Read Genesis 17:18 and 19 — ‘those men in Sodom and Gomorrah want to have sex with other men, and God judged Sodom and Gomorrah.

“Ngayon, ang mabuting magulang, sasabihin mo sa anak mo kung ano yung huwag mong gawin, ‘di ba? Kasi mapapahamak ka diyan pag ginawa mo.

“God will throw you to hell if you continue to do homosexuality.

“Mamuhay ka, and you don’t want to believe in Jesus? I assure you that God will throw you to hell if you don’t stop, repent, and believe in the gospel,” sabi ni Alvin.

The post Alvin Aragon minolestiya ng bading sa edad 6; nakarelasyon rich gay TV host appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments