Anak ni K Brosas rumesbak kay Alvin Aragon: God isn’t enough to save you
NAKATIKIM din ng maaanghang na salita si Alvin Aragon sa anak ni K Brosas na si Tal Brosas, na isa ring proud member ng LGBTQIA+ community.
Matapos mag-react si K Brosas sa panghuhusga ni Alvin sa mga bading at lesbian na aniya’y ipatatapon ni Lord sa impiyerno, si Tal naman ang nambengga sa asawa ni Izzy Trazona.
Na-bad trip si Tal sa pagkondena ni Alvin sa mga celebrity parents na may anak na LGBTQIA+ tulad nga ni K, ng Pinoy rapper na si Gloc 9 at aktor na si Ian Veneracion.
Idinaan ni Tal sa Facebook ang pagresbak kay Alvin na patuloy na binabanatan ngayon ng madlang pipol dahil sa paggamit daw nito sa mga Salita ng Diyos upang maghasik ng galit sa mundo.
“Halos lahat ng religion sa mundo binabalaan tayo tungkol sa hatred at self-righteousness.
“If your faith and beliefs make you act OPPOSITE of what’s taught to you, hindi ang Diyos or kung sino man ang nagsasalita galing sa bibig mo.
“It’s just your EMPTY SOUL, and you cover that up by projecting your own traumas and insecurities onto others,” simulang pahayag ni Tal.
Dugtong ng anak ni K, “And you know what that means? It means you have ABSOLUTELY FAILED sa mismong aral na tinuturo ng kahit sinong ‘God’ sa mundong to.
“It doesn’t make you morally superior. In fact, it makes you a HYPOCRITE, and worse than a person who rejects religion but acts with kindness, humility, and compassion.
“What’s funny is those are even called Christ-like attributes, which you have NOTHING of. Ang ironic, diba?” saad pa ni Tal na isa ring content creator.
“It’s very clear that you’re using Christianity as a weapon, and it only proves na hindi mo talaga naiintindihan ang teachings na grabe mong ipaglaban.
“Faith was meant to HUMBLE YOU, but it inflates your ego instead. If your belief teaches you cruelty, then your religion is just a costume for your BITTERNESS toward people who choose to live freely.
“By the looks of it, God isn’t enough to save you. Hindi dahil nag-fail si God, but because you refuse to practice what you preach.
“So before you try to save everyone else, start by SAVING YOURSELF first,” buong pahayag ni Tal.
Nauna nang nagpahayag ng saloobin si K Brosas sa patutsada ni Alvin sa mga celebrity parents na may anak na bading at tomboy.
“Galit na galit, gustong manakit kuya? Alam ko, trending ka for how many weeks na ba? O days, ‘di ko alam.
“Ayoko sana magsalita kaso binanggit mo ‘yong pangalan ko kuya, e, binanggit mo kami. Parang kinondena mo kami dahil tanggap namin mga anak namin? Dahil member sila ng LGBTQ?
“Ano namang pakialam mo? May ambag ka ba kahit noong preschool? Nagbigay ka ba ng baon? Charot!” ang hirit ni K Brosas.
The post Anak ni K Brosas rumesbak kay Alvin Aragon: God isn’t enough to save you appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments