Responsive Ad

Robin Padilla nilinaw: ‘Wala akong balak kumandidato na bise presidente!’

Robin Padilla nilinaw: ‘Wala akong balak kumandidato na bise presidente!’
Sen. Robin Padilla

TINULDUKAN na ni Sen. Robin Padilla ang mga espekulasyon na tatakbo siya bilang bise presidente sa susunod na eleksyon.

Sa isang Facebook post, diretsahan niyang sinabi: “Wala akong balak na kumandidato na bise presidente.”

Umani ng reaksyon ang pahayag ni Padilla mula kay Ronald Llamas, political commentator at dating political affairs adviser ng yumaong si Benigno Aquino III.

Magugunitang matapos ang unang pahayag ni Padilla noong Biyernes, agad itong tinira ni Llamas at sinabing: “‘Yung gusto mong maging Vice President hindi dahil nais mo maglingkod, pero uutusan ka ng preso sa ICC.”

Baka Bet Mo: Robin Padilla sinagot bansag na ‘tuta’, ‘sunud-sunuran’ kay FPRRD

“He only confirmed accusations na wala siyang sariling utak,” ang matapang na pambebengga ni Llamas kay Padilla.

Hindi naman ito pinalagpas ng senador at agad na nagbigay-linaw. 

Ayon kay Padilla, ang pagrespeto niya kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay bahagi ng disiplina sa loob ng kanilang partido na PDP-Laban, kung saan chairman ang dating pangulo.

“Ibahin mo ako Mr lamas, Kahit hindi ako pulitiko marunong akong sumunod sa partido, PDP laban chairman si Rodrigo Roa Duterte at ako ay dating Pangulo at ngayon ay miyembro ng partido, mahirap ba intindihin sa matalino mong utak na may alituntunin at patakaran ang partido political na sinusunod at tanging chairman lamang ang magdesisyon kung sino at ano ang tatakbuhin ng isang miyembro?” sey ni Padilla.

Hindi pa doon nagtapos ang tirada ng senador, aniya: “Hindi ako marunong managasa at manuwag ng pinuno at kasama ng dahil sa ambisyon. Sundin mo kasi ang payo sayo ni Atty. Guanzon. Magsipilyo po kayo. Baho ng lumalabas sa bibig niyo!”

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FROBINPADILLA.OFFICIAL%2Fposts%2Fpfbid02EVLWicJD9zqvpH9MXyZhCDxuwbBtrbdLktVu1JNFEvBSoM9TXaJ3KfR4Evhhw9Xml&show_text=true&width=500" width="500" height="304" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Samantala, nauna nang nagpahayag si Sara Duterte na tatakbo siyang pangulo sa 2028 national elections, ang kauna-unahang aspirant na nag-anunsyo ng intensyon para sa naturang halalan.

The post Robin Padilla nilinaw: ‘Wala akong balak kumandidato na bise presidente!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments