Responsive Ad

Robin Padilla binoldyak ni Ronald Llamas: Wala siyang sariling utak

Robin Padilla binoldyak ni Ronald Llamas: Wala siyang sariling utak

LANTARANG binasag ni dating Presidential Adviser for Political Affairs Ronald Llamas si Sen. Robin Padilla.

Sinabihan ng dating opisyal ng gobyerno ang action star at politiko na walang sariling utak dahil sa naging pahayag niya sa posibleng pagtakbo bilang vice president ng Pilipinas sa 2028.

Inihayag ni Padilla sa sambayanang publiko kamakailan na handa siyang tumakbong bise presidente sa 2028 national elections, ka-tandem ni Vice President Sara Duterte.

Iyan ay kung ipag-uutos daw ito sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Baka Bet Mo: Robin Padilla sinagot bansag na ‘tuta’, ‘sunud-sunuran’ kay FPRRD

“Ipinanganak po tayong ready. Lalo na ‘yan, para sa akin…vice president, hindi naman masyadong ano yan…puro advocacy lang ‘yan, eh.

“Parang ikaw ang spare tire, ‘di ba? Kayang-kaya ‘yan,” ang kumpiyansang sabi ni Sen. Robin sa panayam ng media.

“Kapag utos ni Digong (tatakbo). Walang pwedeng mag-utos sa akin kahit sino, si Digong lang,” ang sabi ni Padilla.

Binasag naman ni Llamas ang naging pahayag ng senador sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

“‘Yung gusto mo maging Vice President hindi dahil nais mo maglingkod, pero uutusan ka ng preso sa ICC. 

“He only confirmed accusations na wala siyang sariling utak,” ang matapang na pambebengga ni Llamas kay Padilla.

The post Robin Padilla binoldyak ni Ronald Llamas: Wala siyang sariling utak appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments