Responsive Ad

Pokwang tinalakan si ‘Saint’ Alvin Aragon: Masyadong malisyoso!

Pokwang tinalakan si 'Saint' Alvin Aragon: Masyadong malisyoso!

MAGING ang Kapuso actress na si Pokwang ay hindi na rin nakapagpigil at napa-react sa mga pahayag ng dating aktor na si Alvin Aragon.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi niya ang video kung saan makikita sa backgroubd ang quote card na sinabi umano ng dating aktor hinggil sa mga babaeng hindi nagsusuot ng bra sa kanilang tahanan.

“Guys, makinig kayo. Sabi ni saint este brother Alvin, ‘Mga nanay na walang bra sa loob ng bahay, ayusin mo ‘yung damit mo, magsuot ka ng bra dahil sayo magkakasala ang mga anak mo. Sabi ni Lord, kung dahil sayo magkakasala ang mga anak mo, mabuti pang magpakamatay ka na lang!’. Grabe naman sa magpakamatay,” panimula ni Pokwang.

Pagpapatuloy pa niya, tila masyadong malisyoso ang dating aktor.

Baka Bet Mo: Lourd De Veyra: Hindi ako ‘yung nagpa-resign sa Sexbomb

“Unang-una, wala akong bra-brahan. Pangalawa, masyado namang malisyoso ‘yung ano na kita lang ‘yung ano papatulan mo na agad ang nanay mo, ‘wag ganun!” sabi pa ni Pokwang.

Kuwento pa niya, noon daw ay nakita niya ang “itlog” ng kanyang ama habang kumakain.

“Ako nga nakita ko itlog ng tatay ko nu’ng kumakain kami sa sahig kasi wala kami lamesa e. Natuka nga ng bebe ‘yung itlog niya e. May alaga akong bebe sa silong namin natuka ‘yung itlog niya e. Nag-isip ba ako ng ano?” hirit pa ni Pokwang.

Noon daw ay mas priority ng ama ang bumili ng bigas para sa pamilya kaysa bumili ng pansariling pangangailangan.

“Grabe naman. Kasi wala siyang pambili ng brief. Syempre uunahin namin ‘yung bigas bago ang brief,” pagtatapos pa ni Pokwang.

The post Pokwang tinalakan si ‘Saint’ Alvin Aragon: Masyadong malisyoso! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments