Responsive Ad

Rita Daniela goodbye Sparkle, lumipat na sa Viva; biglang napaiyak sa presscon 

Rita Daniela goodbye Sparkle, lumipat na sa Viva; biglang napaiyak sa presscon 
Rita Daniela

HINDI napigilan ng award-winning actress at singer na si Rita Daniela na mapaiyak sa presscon na ibinigay sa kanya ng Viva Artists Agency (VAA).

Naganap ang naturang mediacon kahapon, February 25, matapos siyang pumirma ng kontrata sa VAA na siya na ngayong hahawak sa kanyang showbiz career.

Yes, tuluyan na nga niyang iniwan ang Sparkle, ang talent management ng GMA Network, makalipas ang napakahabang panahon.

Paliwanag ni Rita sa paglipat niya ng VAA, “I really just want to explore new opportunities po talaga because we all know that Viva has a lot of platforms right now and siyempre, they produce concerts, they have musicals, they do series, which is I heard, Viva Movie Box and Viva One.

“And I would really really love to try them all,” ang sey pa ng aktres.

Aminado si Rita na hindi naging madali para sa kanya ang desisyong iwan ang Kapuso Network na naging pangalawang tahanan na niya sa loob ng 20 years.

“Yes, hindi po madali na kahit papaano po ay umalis po ako sa Sparkle, hindi naman po sa GMA because ang Viva naman po ay open naman po sa lahat.

“I can still work po sa iba’t ibang network, pero isa po yon sa importante sa akin na gagalaw po ako sa isang lugar na alam kong it also feels home,” aniya.

Natanong din si Rita kung anu-ano ang itinuturing niyang highlights ng career niya sa 20 taon niya sa entertainment industry.

Una niyang binanggit ang pagkapanalo niya sa singing search na “Pop Star Kids” (sa QTV 11 na GTV na ngayon), noong 2005.

Kasunod nito ay nabanggit niya ang pagganap niya bilang Aubrey sa hit afternoon series ng GMA na “My Special Tatay” kasama si Ken Chan na ipinalabas noong 2018.

At dito na nga napaiyak ang aktres, “Mahirap siyang alisin sa puso ko.  Aubrey opened a lot of doors for me. Hindi rin po biro yung nabuo namin ni Ken,” aniya.

Sabi ni Rita, maayos naman ang pag-alis niya sa GMA 7 at sana raw ay mabigyan pa uli siya ng chance na makagawa ng magagandang project sa dati niyang mother network.

“Of course, if they would still love me to do projects with them, of course, I will always say yes,” aniya.

Sabi pa ng singer-actress sa pagiging VAA talent, “I am very, very excited with that and, honestly, yung career ko po, it’s been twenty years, and I have never ever had a major solo concert, and I’m just so happy.

“Siguro nga po everything has a reason, and I think that’s the perfect timing po and alam ko po that God blessed me with this because God blessed me with great and right people para po talagang sobrang magiging special ‘yung first ever concert ko,” chika ni Rita.

By the way, bukod sa kanyang pamilya, kasama rin ng aktres sa pagpirma niya ng contract sa Viva ang boyfriend niyang basketball player na si Mclaude Guadaña, na all-out ang support sa kanyang career.

The post Rita Daniela goodbye Sparkle, lumipat na sa Viva; biglang napaiyak sa presscon  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments