ALAMIN: Bakit patok ang ‘gold’ bilang long-term investment?
SA panahon ngayon na pabago-bago ang takbo ng ekonomiya, marami ang naghahanap ng mas matatag at pangmatagalang investment.
At isa sa kinikilalang “safe haven asset” sa buong mundo ay ang ginto!
Paliwanag ng gold expert na si Mayet De La Rosa, ito ay may kakayahang mag-preserve ng value lalo na sa panahon ng inflation at krisis sa merkado.
Hindi man ito agad-agad nagpapayaman, napatunayan na nitong tumataas ang halaga sa paglipas ng panahon.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Mula saleslady to Fairy Gold Mother inspirasyon sa sipag, tagumpay
Kamakailan lang, nakachikahan ng BANDERA si Mayet at ang brand ambassador ng nasabing jewelry company na si Nicole Hyala upang usisain kung ano ang dapat tandaan ng mga gustong gawing long-term investment ang ginto.
“Kailangan doon sa experts,” bungad ni Nicole sa amin.
Sumang-ayon sa kanya si Mayet at sinabing:“Experts, kasi kami naman sa tagal namin sa pagnenegosyo, ine-explain talaga namin…nagbibigay kami ng time para sabihin sa kanila na ito talaga, bilhin mo ito now, and mag-a-appreciate ang value nito.”
“Hindi kami basta yung pumunta ka, bilhin mo na ito, bayaran mo na ito. No, no. Talagang nagbibigay kami ng time,” wika pa niya.
Ayon pa sa kanila, ang tunay na halaga ng alahas ay hindi lang sa presyo kundi sa tagal ng relasyon sa kliyente.
Giit ni Nicole, nagbago na rin ang pananaw sa alahas ngayon.
“It’s no longer just showing how luxurious it is, but it’s also a piece of investment… Hindi na po ito yung time na inilalabas lang po kapag nandiyan si mayor at may piyesta,” chika ng brand ambassador.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F1394082565849784%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>
Ngayon, mas lightweight at wearable na ang mga disenyo na pwedeng isuot araw-araw habang tumataas ang value sa paglipas ng panahon.
Isa rin sa pinakamahalagang usapin sa pag-iinvest ay ang authenticity.
“May store kami na may urian talaga. And then meron pong mga markings ang ating alahas makikita niyo po doon kung 18 carat or 21 carat po ‘yung alahas niyo,” esplika ni Mayet nang tanungin namin kung paano matutukoy na original o fake ang ginto.
Ngayong 2026, inilunsad ng brand ang kanilang bagong collection na mas bold ngunit wearable pa rin, na may natural diamonds at modern Monaco-inspired pieces.
Bukod sa pagiging stylish, layunin nilang ipaalala na ang gold at diamonds ay maaaring maging investment at heirloom na maipapasa sa susunod na henerasyon.
Sa huli, ang pag-iinvest sa ginto ay hindi lang tungkol sa kita kundi sa seguridad, legacy, at kwentong kasama nito.
Sa tamang kaalaman at gabay ng eksperto, ang isang simpleng piraso ng alahas ay maaaring maging matibay na pundasyon ng yaman ng pamilya.
The post ALAMIN: Bakit patok ang ‘gold’ bilang long-term investment? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments