Lassy Marquez proud na ibinandera manliligaw, ramdam na ramdam ang love

PROUD na ibinandera ng TV host-comedian na si Lassy Marquez sa madlang pipol ang manliligaw niyang si “Ken”.
Sa latest episode ng “Chad Kinis Show” kung saan siya nag-guest ay napag-usapan nilang magkaibigan ang tungkol sa buhay pag-ibig at kung sino ang nagpapatibok ngayon ng kanyang puso.
“Nararamdaman ko naman [na mahal niya ako]. Alam mo ‘yong pumapasok na [sa buhay ko],” kuwento ni Lassy.
Amin pa ng komedyante, bet na raw ni “Ken” na maging opisyal na ang kanilang relasyon.
Baka Bet Mo: MC Muah, Lassy Marquez nakahanda sakaling tsugihin sa It’s Showtime
May mga pagkakataon na ring lumabas na sila Lassy at ang manliligaw in public na magkasama pero hindi lang sila nag-hard launch.
Habang nagtsitsikahan ang dalawa ay biglang dumating ang manliligaw niya na may dala-dalang bouquet ng bulaklak.
“Oh my God!” kinikilig na sabi ni Lassy.
At dahil nga lumabas na ito ay nakasama na rin siya sa interview.
“Kaya mo bang mahalin si Lassy?” diretsahang tanong ni Chad kay Ken.
Sagot naman nito, “Opo, kaya nga po ako nandito.”
Napuno nga ng hiyawan, tilian, at sigawan ang buong studio dahil sa nakakakilig na ganap nina Ken at Lassy.
Hinihintay na lang daw ni Ken na sagutin siya ng komedyante.
“Ken, salamat sa pagtitiyaga mo. Thank you, Ken! Napakabait mo, napakabuti mong tao. Salamat rin sa pagpapasaya mo sa akin, sa mga tulong mo. Minsan pag nahihirapan ako, ikaw ang gumagawa,” mensahe ni Lassy kay Ken.
The post Lassy Marquez proud na ibinandera manliligaw, ramdam na ramdam ang love appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments