Responsive Ad

Jack Argota sa ipinost na PBBM fake medical certificate: Hindi ako nagsisisi

Jack Argota sa ipinost na PBBM fake medical certificate: Hindi ako nagsisisi
Jack Argota at Bongbong Marcos

KUNG mapatutunayang nagkasala, dapat managot sa batas ang vlogger na si Jack Argota dahil sa pagpo-post ng pekeng medical certificate ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr..

Iyan ang sagot ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro tungkol sa kaso ni Argota. 

Personal na nagtungo si Argota sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon, February 18, matapos makatanggap ng subpoena, kaugnay ng kanyang social media post.

Sa panayam ng media sa content creator, inamin niyang fake nga ajg litratong ipinost niya at nais lang daw niyang sumakay sa uso at umani ng engagement.

Nagkamali raw siya pero naninindigan siya na wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari kahit na nga ipinatawag siya sa tanggapan ng NBI.

“Hindi ako nagsisisi pero may pagkakamali ako na slight. Natutunan ko na ‘wag bugso ng damdamin ang pairalin, pag-aralan mo rin kung may katotohanan ba? May mali rin ako pero ‘di ako nagsisisi,” sabi ng vlogger.

Sa press briefing naman ni Castro ay natanong nga siya kaugnay ng kinasasangkutang isyu ni Argota na may konek nga kay PBBM.

“Ang batas ay dapat ipatupad. Ang lumabag sa batas ay dapat managot. 

“Hindi po kasi ginagawang biro ang pagko-content lalo na kung makakaapekto ito hindi lamang sa taong ginawa mong subject matter sa iyong content kundi sa buong tao, sa buong mamamayan na maaaring makapanood ng inyong mga fake news,” sabi ni Castro.

“Nilalabanan po natin ang fake news at hindi po dapat ito gagawin at pagkasabi ng sorry ay tapos na. 

“So tingnan na lang po natin kung anong mangyayari po diyan at kung wala naman siyang kasalanan, eh ipagtanggol na lamang niya ang kaniyang sarili,” sabi ng opisyal.

Ipu-push ba ng MalacaƱang na makasuhan ang vlogger at ang iba pang nagpapakalat ng fake medical certificate ng pangulo?

“Ang nagsampa naman po ay NBI. Kung ano po ang nakikita nilang labag sa batas, dapat panagutin,” saad ni Castro.

Wala pang anunsiyo ang NBI kung tuluyan na nga ba nilang sasampahan ng pormal na kaso si Argota.

The post Jack Argota sa ipinost na PBBM fake medical certificate: Hindi ako nagsisisi appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments