Responsive Ad

AJ Raval napikon na sa toxic fans: Grabeng kademonyohan yan!

AJ Raval napikon na sa toxic fans: Grabeng kademonyohan yan!

HINDI na nakapagpigil ang dating sexy actress na si AJ Raval sa mga netizens na patuloy na bumabatikos sa kanyang pamilya.

Sa isang Facebook post ay ibinahagi niya ang screenshot ng komento ng isang netizen na humihiling na sana ay mamatay na ang kanyang anak.

Tila nasundo ang pika ni AJ at agad na pumalag sa mga pahayag ng netizen patungkol sa kanyang mga anak.

Aniya, huwag daw pagdiskitahan ang mga anak niya lalo na’t wala namang kalaban-laban ang mga ito.

Baka Bet Mo: AJ Raval kinikilig, idinaan ni Aljur Abrenica sa bulaklak ang panliligaw

“Bilang isang ina tungkulin kong ipagtanggol ang anak ko. Sa akin niyo ibuhos ang galit ninyo, hindi sa batang inosente. mga toxic fans kayo kayang manakit ng batang walang kalaban laban TOXIC FANS GRABENG KA DEMONYOHAN NA YAN,” gigil na sabi ni AJ.

Pagpapatuloy pa niya, bakit raw ibinubunton ng mga bashers ang galit nila sa kanyang mga anak ang kasalanan ng ibang babae?

Bagama’t hindi diretsang sinabi ay mukhang ang pinatutungkulan ni AJ ay ang babaeng dahilan ng paghihiwalay ng kanyang kasalukuyang partner na si Aljur Abrenica sa asawa nitong si Kylie Padilla.

“Ipapasalo nyo rin ba sa mga anak ko kasalanan ng ibang babae? Sinalo ko na lahat for her habang ang totoong involved at peace bakit hindi nyo sya hanapin? sakanya nyo ibato yan bakit sa anak ko?

“Hindi ko hahayaan saluhin ng mga anak ko kasalanan nya. Kaya hindi matapos tapos to dahil mali kayo ng tinuturo[ng tao],” giit pa ni AJ.

China pa niya, ang totoong “other woman” o dahilan ng hiwalayan nila Aljur at Kylie ay tahimik habang ang mga anak niya ay nagdurusa.

Sey pa ni AJ, “Oo na cheap ako walang pinag aralan pero gagawin ko part ko bilang isang ina. The real other woman got away is at peace while me and my children are being attacked.

“Madaming magagalit ayaw tanggapin ang totoo.”

Matatandaang sa kabila ng paglantad nina AJ at Aljur patungkol sa kanilang relasyon at mga anak ay patuloy pa rin ang pambabatikos na kanilang natatanggap.

Marami pa rin kasi talaga ang hindi maka-move on sa paghihiwalay nina Aljur at Kylie kahit in good terms naman ito kay AJ.

Sa katunayan, naging malapit na rin ang mga anak ni Aljur at Kylie sa dating sexy actress dahil maayos co-parenting set up ng dalawa kina Axl at Alas.

The post AJ Raval napikon na sa toxic fans: Grabeng kademonyohan yan! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments