Carlos Yulo nagpasaya ng mga bata sa ika-26th birthday

MASAYANG ipinagdiwang ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang 26th birthday sa isang simbahan sa Pampanga.
Ang simpleng birthday celebration ng atleta ay isang paraan na rin niya para mag-give back mula sa mga blessings na natanggap niya.
Naghanda si Carlos ng simpleng pagkain at mga regalo para sa mga bata sa Pampanga.
“Salamat Lord sa panibagong taon ng buhay, isa na namang biyaya na buong puso ko pong tinatanggap,” saad ng gold medalist.
Baka Bet Mo: Carlos Yulo proud sa nabiling regalo sa sarili: Pinagpaguran ko
Nagpasalamat rin si Carlos kay Fr. Jowel sa blessing nito at sa mainit na pagtanggap sa kanila.
“Lubos din po akong nagpapasalamat Fr. Jowel sa inyong mainit na pag tanggap at mapagpalang pagbabasbas po sa amin.
“Maraming salamat po ulit sa Panginoon sa pagkakaloob Niya sa amin ng blessings at pagkakataon na mag bahagi ng munting tulong at saya sa inyong banal na simbahan,” pagbabahagi ni Carlos.
Aniya, lahat ng kanyang naging tagumpay at kung anumang biyaya ang kanyang natamo ay ibinabalik niya ang lahat ng papuri at pasasalamat sa Poong Maykapal.
“All glory to You, Lord. Isa na namang taon para mangarap, magsikap, at matuto,” sey pa ni Carlos.
The post Carlos Yulo nagpasaya ng mga bata sa ika-26th birthday appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments