Dingdong Dantes, Marian Rivera nagagamit ng scammers gamit ang AI
AWARE na aware ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na may mga sindikato sa social media na gumagamit sa kanila ni Marian Rivera para makapanloko.
Ilang online sites daw ang naglalabas ng mga pekeng advertisements sa iba’t ibang platforms gamit ang mga pangalan at litrato nina Dong at Marian.
May ilan kaming napanood na video sa Facebook kung saan makikita ang Kapuso power couple na nag-e-endorse ng isang produkto pero very obvious na ginamitan ito ng AI o artificial intelligence effect.
Ayon kay Dingdong, alam niya na may mga fake accounts sa socmed na nambibiktima ng mga inosenteng tao gamit ang mga mukha nila ni Marian using AI.
“Ang mas malala pa du’n, marami pa ang nagpapadala sa akin ng mga fake na ano na mga galing Facebook na nagbebenta ng produkto gamit ang mukha namin.
“So, tinatanong ako, ‘Legit ba ito?’ Kasi kung pinanood mo, parang kami talaga yung nagsasalita, kami yung nasa video. So, talagang nakakatakot.
“Minsan yung mga tao, sasamantalahin yung pagamit ng ganitong technology para sa kanilang gain na hindi naman tama, kasi pang-aabuso na ng mga tools na ito.
“So, yun yung talagang kinatatakutan namin, of course later on, mapalitan talaga yung craft of performing live on screen. That’s something that we really want to protect, us as artists,” paliwanag ng aktor at TV host.
Ano ang ginagawa nilang aksyon hinggil dito? “Kapag ganun, nire-report lang namin. Kapag pinapadala sa amin na may ganito. So, nire-report lang namin sa platform. Tapos, hopefully, ma-take down nila yun.
“Panawagan din sa iba na alam ko naman na kabuhayan din nila yun. Pero huwag naman to the extent of using the images of legitimate people.
“Kasi, siyempre may intellectual property na yung pagmumukha at boses ay nandu’n na mismo sa taong yun. So, kinakailangan talaga, with consent yun,” sabi pa ni Dong.
Nauna rito, naglabas din ng official statement ang AKTOR – League of Filipino Actors na pinamumunuan nina Dingdong at Iza Calzado sa kanilang Facebook page kaugnay sa “misuse of technology,” partikular ang AI.
Babala ng AKTOR, “Di kailanman makokopya ng AI ang kaluluwang nananalaytay sa imahe at tinig ng bawat aktor.
“Kailangan nating pakaiingatan ang pang-aabusong maaaring mangyari sa pagnanais nating padaliin ang ating trabaho ng paglikha ng sining.”
The post Dingdong Dantes, Marian Rivera nagagamit ng scammers gamit ang AI appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments