Rufa Mae Quinto ramdam na ramdam pa rin presence ni Trevor Magallanes
FEELING ni Rufa Mae Quinto ay patuloy siyang ginagabayan ng yumaong asawang si Trevor Magallanes sa pagpapalaki sa anak nilang si Athena.
Ramdam na ramdam pa rin daw ng komedyana ang presence ni Trevor kahit matagal na itong namaalam at naniniwala siya na tinutulungan siya nito sa pag-aalaga sa nag-iisa nilang anak.
Sa interview kay Rufa Mae ng veteran broadcast journalist na si Karen Davila para sa kanyang YouTube channel, ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa pagiging single parent mula nang mamatay si Trevor noong July, 2025.
Sey ng aktres, napakasakit para sa kanya ang maagang pagkawala ng asawa pero nagiging magaan daw ang kanyang dibdib dahil napakarami rin nilang magagandang memories together.
“Oo, kaya nakukuha kong tumawa eh kasi nga hindi heavy dahil alam kong ibinigay namin lahat. At thank God nagawa namin yun nang mabilis,” sey ng komedyana.
Na-realize rin daw niya kung gaano kahalaga ang pagpapakita at pagpaparamdam ng pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan.
“Kaya sabi ko nga pag may mahal kayo, naku, wag na kayo umakting, kahit hindi kayo mahal sabihin niyo na I love you.
“Anytime pala pwedeng mawala kahit sinong tao tapos uuwi ka sa bahay niyo bukas iba na,” sey ni Rufa Mae.
Naging emosyonal naman ang komedyana nang ikuwento kung paano nila pinag-uusapan ni Trevor ang kinabukasan ni Athena.
“Alam mo sinabi ko sa sarili ko, basta bibigyan ko ng time yung anak ko, I’ll be kind to her, guide her, basta love,” aniya pa.
Sa pagkawala ni Trevor, hinihiling ni Rufa Mae na sana’y gabayan at tulungan pa rin siya ng asawa sa pagpapalaki kay Athena.
“Sabi ko tulungan mo nalang kami. Kahit na physically wala, basta tulungan mo ako paano ko siya palalakihin.
“Tinutulungan niya ako, nararamdaman ko naman kasi nagiging magaan naman lahat,” saad pa niya.
Nabanggit din ni Rufa Mae na itutuloy niya ang planong dito sa Pilipinas palakihin ang anak at hindi sa Amerika.
The post Rufa Mae Quinto ramdam na ramdam pa rin presence ni Trevor Magallanes appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments