Responsive Ad

Sofia Trazona pagod na sa mga hanash ni Alvin Aragon: Tama na!

Sofia Trazona pagod na sa mga talak ni Alvin Aragon: Tama na!

DIRETSAHAN nang nagsalita ang social media personality at drag queen na si Sofia Trazona hinggil sa mga pahayag ng kanyang stepfather na si Alvin Aragon hinggil sa kanyang kasarian.

Sa pamamagitan ng isang video na in-upload niya sa kanyang Facebook account, pinalagan na niya ang mga pahayag nito laban sa kanya.

May isang interview kasi si Alvin kung saan ramdam na ramdam ang tila pagkagalit nito habang ikinukuwento ang pagiging beki ni Sofia.

Aniya, pagod na pagod na siya at nasasaktan at nais na lang niyang matapos ang lahat ng isyu.

Baka Bet Mo: Sofia Trazona napagbuhatan ng kamay ni Alvin Aragon: Nag-sorry naman

“To Mr. Aragon, I am addressing this specifically to you dahil to be honest, I am tired and hurting, at pagod na rin akong mag-defend at proteksyunan ang nanay ko sa lahat ng mga interviews, sa lahat ng mga nangyayari dito sa social media, napapagod na din ako. Gusto ko na rin matapos ang lahat-lahat ng ’to,” panimula ni Sofia.

Pagpapatuloy niya, “Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ‘yung galit mo dyan sa puso mo kasi to be honest, dapat naman full of love tayo e. Wala namang perfect na Christian, pero at the same time, bakit? Wala na bang grace? Wala nang compassion?”

Amin pa ni Sofia, sinubukan pa niyang protektahan ang asawa ng ina at hindi isiniwalat ang mga pangyayari nang minsan siyang masaktan nito.

“Bakit kailangan mong sirain ang sarili mo? Bakit kailangan mo rin akong sirain? And honestly, pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kung kailan matatapos ito. I even protected you sa isang interview. Hindi ko nga sinabi na sinakal mo ako, diba? Pero ’yun talaga ang totoong nangyari,” kuwento pa ng panganay ni Izzy.

Tumagal rin daw ng ilang segundo ang pananakal ni Alvin kay Sofia at kahit ganoon ang nangyari ay hindi niya ito pinersonal dahil akala niya, normal ang ganoong klaseng pagdidisiplina.

“Pagod na pagod na ako. Tama na! Wala akong intensyon na sirain ka. Wala akong intensyon na masira yung family n’yo.

“I’m happy for you, guys. Susuportahan ko kayo kung saan man nyo gusto mapunta in life. And let’s just focus on whatever we want to do in life,” pagtatapos pa ni Sofia.

The post Sofia Trazona pagod na sa mga hanash ni Alvin Aragon: Tama na! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments