‘Kilalang heartthrob at gwapong aktor, hindi pa tule!’
LUKANG-LUKA na ang talent manager at host na si Ogie Diaz sa pinag-uusapang blind item tungkol sa “power couple” na malapit nang maghiwalay dahil sa pagloloko ni mister.
Grabe raw kasi ang pagiging invested ng mga Pinoy sa panghuhula kung sino ang kilalang power couple na “perfect” ang projection ng kanilang pagsasama pero kabaligtaran pala sa totoong buhay.
Sa kanyang Facebook My Story, nag-post si Mama Ogs kaugnay ng sinasabing power couple na dinugtungan pa niya ng mas nakakawindang na panibagong blind item.
Hirit ni Mama Ogs, “Madlang pipol! Grabe nang invested ng mga tao ngayon kung sino yung ‘Power Couple!'”
Sundot pa niyang mensahe, “Di ko na talaga kakayanin, mga kuya, pag me blind item namang lumabas na ‘isang kilalang gwapong aktor na heartthrob, di pa tule!’ Kinang inang yan!”
Wala namang karagdagang detalyeng ibinigay ang talent manager at content creator tungkol sa hindi tuling male celebrity pero siguradong may kanya-kanya nang hula ang mga netizens.
Sa mga nagtatanong naman sa blind item about the power couple, at sa mga hindi pa nakakabasa nito, narito ang ilang bahagi ng artikulo na unang lumabas sa “Inside the Metro” noong January 6, 2026 na may title na “Is this the end of a power couple’s fairy tale?”
“From the outside, they are the definition of perfection—a showbiz power couple admired for their looks, flawless image, and undeniable success in their respective fields. Red carpets, brand deals, and carefully curated smiles have convinced the public that they have it all.”
The post ‘Kilalang heartthrob at gwapong aktor, hindi pa tule!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments