Responsive Ad

Dia Mate babu na sa korona, Grand Finals ng Reina Hispanoamericana sa Feb. 21

Dia Mate babu na sa korona, Grand Finals ng Reina Hispanoamericana sa Feb. 21
PHOTO: Instagram/@diaxmate

MAGTATAPOS na ang pagiging reyna ni Dia Mate bilang Reina Hispanoamericana.

Pipiliin na kasi sa darating na Pebrero ang magiging kahalili niya sa titulo na gaganapin sa Bolivia.

Sa social media, ibinandera ng organizers ng international pageant ang 2026 schedule para sa nalalapit na kompetisyon.

“The excitement returns with a new edition of Reina Hispanoamericana 2026, which will be held from February 05 to 22, [2026] in Santa Cruz, Bolivia, bringing together candidates from different countries in a great celebration of culture beauty and [sisterhood],” sey sa post.

Baka Bet Mo: Dia Maté ibinida ang empowering self-love sa bagong single na ‘Ako Lang’

Ang Grand Finals ay nakatakda sa February 22, oras sa Pilipinas, kung saan ipapasa ni Dia ang kanyang korona sa bagong reyna.

Para sa mga hindi aware, si Dia ang pangalawang Pinay na nagwagi sa Reina Hispanoamericana noong nakaraang taon. 

Ang unang Pilipina na nakamit ang titulo ay si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez, na nanalo noong 2017 bilang kauna-unahang Asian participant sa pageant.

Ngayong taon, ang pambato ng ating bansa ay si Francesca Beatriz Mclelland matapos magwagi sa Miss Grand International Philippines 2025 noong Agosto ng nakaraang taon.

Ngunit hindi ito ang unang pagkakataon na irerepresenta niya ang Pilipinas sa global stage. 

Noong 2020, sa edad na 18, lumaban siya sa Miss Teen International sa India at nakamit ang Miss Teen Intercontinental title. 

Noong 2022 naman, lumipad siya sa Egypt para sa Miss Eco Teen International at nagtapos bilang first runner-up.

Sa national pageant pa lang, naging bukas na si Francesca sa kanyang kagustuhang makipagkompetensya sa Reina Hispanoamericana, kahit na mahirap ang hamon na sundan ang yapak ni Dia.

Ang Bolivia, ang home country ng Reina Hispanoamericana, ang kauna-unahang bansa na nagkaroon ng second consecutive win sa international pageant, kung saan si Susana Barrientos (1998 winner) ang nagkorona kay Jenny Vaca Paz (1999 winner).

The post Dia Mate babu na sa korona, Grand Finals ng Reina Hispanoamericana sa Feb. 21 appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments