Responsive Ad

Ramon Christopher nagsalita na tungkol kay Jericho bilang dyowa ni Janine

Ramon Christopher nagsalita na tungkol kay Jericho bilang dyowa ni Janine
Ramon Christopher, Janine Gutierrez at Jericho Rosales

SA kauna-unahang pagkakataon, nagsalita si Ramon Christopher tungkol sa boyfriend ni Janine Gutierrez na si Jericho Rosales.

Going strong at mas nagiging solid pa ang relasyon nina Echo at Janine at marami ang nagsasabi na mukhang pangmatagalan na ang kanilang love story.

Kaya naman sa panayam ng media kay Monching sa naganap na red carpet premiere ng bago niyang pelikula, ang “Breaking the Silence” last January 10, ay nahingan siya ng reaksyon about Jericho na karelasyon nga ng anak niya.

Sey ng aktor, happy naman siya para kina Janine at Jericho and for as long as masaya ang ang anak niya ay okay na okay na rin siya.

“Ako kasi basta happy siya, happy ako. Ganoon lang ako. Walang akong ‘okay si ganito,’ ‘okay si ganoon,’” ani Monching.

Kuwento pa ng aktor, kararating lang nila mula sa isang bakasyon kasama ang kanyang pamilya, “We went on holiday, the whole family.” 

Pero hindi diretasahang sinagot ni Monching kung kasama ba nila si Jericho sa kanilang pagbabakasyon, “Kumpleto kaming lahat.” 

Dagdag pa ng tatay ni Janine, wala naman daw siyang masasabing negative about Jericho at kilala naman daw niyang mabuting tao ang aktor.

“Mabait naman si Echo. Wala akong masabing not good about him. Sa pagkakakilala ko sa kaniya at saka sa panahon na lagi din kaming magkasama.

“Very happy naman sila, happy ako,” ang sey pa ni Monching. 

Dagdag pa ni Monching, very open naman daw siya sakaling mabigyan sila ng chance na magkasama sa isang proyketo ni Jericho. 

The post Ramon Christopher nagsalita na tungkol kay Jericho bilang dyowa ni Janine appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments