Kilalang aktres nabuntis daw ng kilalang personalidad, nagpalaglag!?
SINO nga kaya ang kilalang aktres na nagpalaglag umano matapos ma-preggy o mabuntis ng isang personalidad.
Nakakaloka ang paandar na blind item ng talent manager at host na si Ogie Diaz tungkol sa aktres na nagpa-abort daw.
Sa episode ng “Showbiz Updates” YouTube vlog, naikuwento ni Mama Ogs ang mga eksena sa naging “panaginip” niya hinggil sa nasabing aktres.
“Sabi ng panaginip ko, may nangyari daw na mayroong isang aktres na nagpa-’Sunshine.’
“Kung napanood n’yo ‘yung kay Maris Racal (pelikula ng aktres), ‘di ba ang pangalan n’ya du’n Sunshine?” simulang pahayag ni Ogie.
“Nagpa-’Sunshine’ kasi (yung aktres) sabi aware daw ‘yung nanay na nagpa-’Sunshine’ ang anak niya. Tapos sabi ng panaginip ko, kahit sino pa ang tatay, sana raw itinuloy na lang,” chika pa ni Ogie.
Sey pa ng content creator, hindi raw artista ang nakabuntis sa kilalang aktres, pero isa itong kilalang tao.
“Kilalang-kilala raw ‘yong tatay kahit pa ito ay hindi artista,” saad ni Mama Ogs.
Hanggang du’n lang daw ang kuwento sa likod ng panaginip ni Ogie at wala na siyang ibinigay na clue about sa nagpalaglag na girlalu at sa naka-preggy sa kanya.
Sa mga hindi pa aware, nabanggit ni Ogie ang salitang “Sunshine” bilang pamalit sa “pagpapalaglag” dahil ang pelikulang ito na pinagbidahan nga ni Maris ay tumatalakay sa isyu ng abortion.
Hirit pa ni Ogie, “Baka ‘yun din ang katwiran niya parang sa ‘Sunshine’ din. My body, my choice.”
The post Kilalang aktres nabuntis daw ng kilalang personalidad, nagpalaglag!? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments