Responsive Ad

CIDG ibinandera ang ‘wanted’ poster ni Atong Ang, P10-M pabuya may kondisyon

CIDG ibinandera ang ‘wanted’ poster ni Atong Ang, P10-M pabuya may kondisyon
PHOTO: Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)

NAGLABAS ng wanted posters ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa gaming tycoon na si Atong Ang.

Ito ay kaugnay ng kasong kidnapping na inihain laban sa kanya sa kontrobersyal na pagkawala ng ilang mga sabungero.

Batay sa mga poster, posibleng matagpuan si Ang sa ilang lugar sa Metro Manila tulad ng Pasig City, Mandaluyong City, at City of Manila. 

Kabilang din sa mga tinukoy na posibleng kinaroroonan niya ang mga lalawigan ng Batangas, Quezon, at Zambales.

Baka Bet Mo: DILG kay Atong Ang: We can consider him the most wanted person in PH

Muling iginiit ng pulisya na may P10 million pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyong hahantong sa pagkakaaresto kay Ang. 

Ang naturang reward ay unang inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government noong Huwebes, January 15.

“The identity of the informant will be treated with the utmost confidentiality,” sey sa nakasaad sa wanted poster.

Nakasaad din na isa sa mga kondisyon sa pag-claim ng reward ay ang pagsusumite ng subscriber identity module (SIM) card na ginamit sa pagtawag at pagbibigay ng impormasyon sa Philippine National Police (PNP).

Samantala, hinikayat ng CIDG ang publiko na makipagtulungan at magsumite ng anumang impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ni Ang sa pamamagitan ng mga hotline na 09606923025 at 09456115926.

The post CIDG ibinandera ang ‘wanted’ poster ni Atong Ang, P10-M pabuya may kondisyon appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments