Chariz Solomon biktima ng sexual abuse: Nag-sorry sa akin 13 na ako
Trigger Warning: Mention of sexual abuse
MARAMI ring pinagdaanang mapait na karanasan sa kanyang personal na buhay ang Kapuso actress na si Chariz Solomon.
Sa murang edad ay dumaan na sa iba’t ibang pagsubok ang “Bubble Gang” at “Pepito Manaloto” star na parang mga eksena raw sa teleserye at pelikula.
Sa panayam ng programang “I-listen With Kara David” sa YouTube, natanong ng broadcast journalist si Chariz, “Gaano kahirap na lumaki na wala sa tabi yung nanay mo, at yung tatay mo?”
“Ang natatandaan ko lang is malungkot ako, tapos sa school lagi kong sine-share na wala akong parents.
“Tapos napatawag pa nga yung guardian ko, bakit daw ganu’n ang mga sinasabi ko, medyo darkness. Malungkot lang ako at hindi talaga ako masaya. So, aral lang ako nang aral sa bahay para hindi ako masyadong utusan,” natawang sabi ni Chariz.
“Hindi kasi ako lumaki sa masayang environment. Meron kasing verbal abuse, merong physical abuse. Tapos hindi nila alam na naiintindihan ko yung ginagawa nila sa akin,” pahayag ni Chariz.
“Hindi ko alam kung alam ng iba kong relatives, naranasan ko rin ‘yung sexual abuse,” rebelasyon ng komedyana.
“Hindi ko na sasabihin kung sino, pero nag-sorry naman sa ‘kin nu’ng malaki na ko. Alam mo yung, ‘totoo bang nangyari ‘to?’ May ganu’ng coping mechanism, e. Hindi mo alam kung talagang nangyari yun.
“Grade 3 ako nu’n, nag-sorry sa akin (yung nang-abuso sa kanya), 13 na yata ako. Tapos du’n ko na-realize, ‘Ay totoo siyang nangyari,'” aniya pa.
Pahayag pa ni Chariz sa lahat ng kanyang pinagdaanan, “Ang natutunan ko, marami talagang bagay na hindi natin makokontrol.
“Basta I have the power to change my life, and my future, my present,” ang mariing sabi ng Kapuso star.
The post Chariz Solomon biktima ng sexual abuse: Nag-sorry sa akin 13 na ako appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments