Responsive Ad

Willie Revillame naimbyerna sa staff sa dryrun ng bagong show

Willie Revillame naimbyerna sa staff sa dryrun ng bagong show

USAP-USAPAN na naman ang pagiging imbyerna ng TV host na si Willie Revillame sa mga staff sa naganap na dryrun ng kanyang bagong show na “Wilyonaryo”.

Viral ngayon ang isang video clip na ibinahagi mismo sa official Facebook page ng kanyang bagong show kung saan tinatalakan niya ang isang staff dahil sa selection of winners.

“Bigyan nyo ako ng babae. Bing, ayoko ng puro lalaki. Lalaki na yung nanalo kahapon eh,” saad ni Willie na tila may pagkairita sa boses.

Agad ngang umani ng samu’t saring komento at reaksyon mula sa madlang pipol ang ipinakitang ugali ng TV host.

Baka Bet Mo: Aira Lopez may nilinaw, kapatid ‘di nililigawan ni Willie Revillame

Sa katunayan, isang netizen ang nag-post kay Willie sa Reddit kalakip ang naturang video ng kanyang pagkainis sa isang empleyado.

“Naalala ko nung nasa GMA pa siya basta Basta nalang daw umiinit Ang ulo niya like may Isang co host siya na tinanggal just because namisinterpret niya Yung tono nung nagtatanong siya ng pagkain sinabihan agad na huwag ng pumasok,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kung ako ang empleyado d’yan na sinabihang papalitan, kahit live pa ‘yan ora-orada akong mag-empake at uuwi at iiwanan ko ‘yang kupal na ‘yan.Tingnan ko lang di ka ma-highblood lalo. LOL. Hindi ata alam ni Willie na magkaiba ang pagiging perfectionist at pagiging bastos. Siya bastos. Pwe.”

“Mainitan Ang ulo, tapos tatakbo pa politiko, Buti nalang natalo,” sabi naman ng isa.

Samantala, sa ngayon ay wala pa namang pahayag si Willie hinggil sa isyu.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ng panig ng TV host hinggil sa isyu.

The post Willie Revillame naimbyerna sa staff sa dryrun ng bagong show appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments