PBBM hindi pagtataguan mga inaanak sa Pasko: Madali kaming hanapin

SINIGURO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindinila pagtataguan ang kanilang mga inaanak ngayong darating na Christmas Day.
Sa pamamagitan ng isang video, sinabi ni PBBM na madali silang hanapin sa Pasko at inamin niyang mahaba ang listahan ng kanilang mga inaanak.
“E, kami hindi namin puwedeng pagtaguan dahil madali kaming hanapin, kaya’t kumpleto ang listahan namin doon sa aming mga inaanak, at marami-rami din,” ang pahayag ni Pangulong Bongbong.
“Ngayon, ‘yong iba siguro, kapag hindi n’yo talaga nakikita na, o ‘di na kayo nag-uusap, kapag may app, puwede n’yo nang i-Gcash ‘yong mga regalo ninyo. Ngayon, mas madali na,” lahad pa ng pangulo.
Baka Bet Mo: Bongbong Marcos inanunsyo pag-aresto kay Sarah Discaya
Nabanggit naman ng Malacañang na hindi magpapahinga ang Presidente ngayong holiday season dahil plano nitong pag-aralan at busisiiin ang national budget para sa 2026.
“Opo, kailangang pag-aralan po. Sa Pangulo po, ‘di po kailangan magkaroon ng Christmas break, kailangan po talagang aralin ito at pipilitin na mapirmahan po ito bago magtapos ng taon,” ang pahayag ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro sa nakaraan niyang press briefing.
Samantala, hinikayat naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na subukang mag-”e-aguinaldo” sa nga inaanak ngayong Kapaskuhan.
“The BSP also encourages the public to use digital or e-money as cash gifts to their godchildren, family, and friends.
“Using e-wallets and online banking offers a safer and more convenient way to send cash gifts during the Christmas season,” paalala ng BSP.
The post PBBM hindi pagtataguan mga inaanak sa Pasko: Madali kaming hanapin appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments