Maris Racal sa TV Patrol blooper ni Karen: Very Basha siya, ako na lang ulit
MARAMING pinatawa at pinasaya si Karen Davila dahil sa naging pagkakamali niya sa isang live broadcast ng “TV Patrol“.
In fairness, hanggang ngayon ay nagpapasabog pa rin ng good vibes sa sandamakmak na netizens ang blooper ni Karen sa news program ng ABS-CBN nitong Martes ng gabi, February 10.
Sa halip na pangalan ng field reporter nilang si Karen de Guzman ang ipakilala para mag-ulat tungkol sa isang kaso ng hulidap, ay ang pangalan niya ang kanyang nabanggit.
“Nagpa-Patrol, Karen Davila. Ay, Karen de Guzman!” ang sabi ng Kapamilya broadcast journalist.
Agad naman siyang nag-sorry kay Karen De Guzman sa pamamagitan ng X na ipinost niya habang naka-commercial break ang “TV Patrol”.
“OMG… ay… Karen De Guzman! Apologies #TVPatrol,” ang paumanhin ni Karen.
Kasunod nito, nag-post din si Karen de Guzman ng video clips ng mga past live interaction nila ni Karen sa “TV Patrol” at sa ABS-CBN News Channel.
Sa bandang ending ng video, mapapanood ang pagkakamaling pagbanggit ng news anchor sa sarili kahit si De Guzman ang kanyang tinutukoy.
“Karen-to-Karen during live news reports.
“Buti na lang talaga, hindi na po need i-mention ang surname after lead in haha. Forever a fan of Ms. @iamkarendavila!” ang caption ni De Guzman.
Maraming nagkomento sa post ng field reporter tulad ng isang netizen na nagsabing, “Hahahaha! That was so funny! Ang simple lang, pero nakakatawa! Sobra!!!”
Sey naman ng isang netizen, “Yung ganado ka magbalita ayaw mo na magpahalili.”
Pati nga ang Kapamilya star na si Maris Racal ay napa-react sa blooper ni Karen. Ni-repost niya ang viral clip at nilagyan ng caption na, “Very Basha siya dito. ako nalang ulit.”
Ang tinutukoy ni Maris na “Basha” ay ang karakter ni Bea Alonzo sa pelikulang “Once More Chance” na pinagbidahan nila ni John Lloyd Cruz noong 2007.
Isa sa mga nagmarkang dialogue ni Bea bilang Basha sa movie ay, “Sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulit.”
The post Maris Racal sa TV Patrol blooper ni Karen: Very Basha siya, ako na lang ulit appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments