Responsive Ad

Sarah Discaya dinalaw ng pamilya sa kulungan matapos ang Pasko

Sarah Discaya dinalaw ng pamilya sa kulungan matapos ang Pasko
PHOTO: NBI

NAKADALAW ang pamilya ng controversial government contractor na si Sarah Discaya sa Lapu-Lapu City Jail isang araw matapos ang Pasko, ayon sa isa sa kanyang mga abogado.

Si Discaya ay kasalukuyang nakakulong dahil sa mga kasong graft at malversation kaugnay ng umano’y “ghost project.”

“Her quarantine just ended Dec. 26. During her quarantine period, no visitors were allowed except her lawyers. On Dec. 25, she was allowed to receive the e-call dalaw (visit) by her family,” pahayag ng spokesperson ni Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego sa INQUIRER.

Dagdag pa niya, “On Dec. 26, she was personally visited by her family. She is now entitled to a regular visiting schedule.”

Baka Bet Mo: Sarah Discaya ayaw na ng finger heart, nag-dirty finger sa isang reporter?

Sinabi rin ni Samaniego na pinayagan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Discaya na tumanggap ng pagkain at mga personal na gamit habang nasa kulungan.

Sa panayam sa telepono ng INQUIRER noon December 28, sinabi ni BJMP spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera na wala umanong miyembro ng pamilya ang nakadalaw kay Discaya bago ang Pasko.

“No family members visited her. Only her lawyer visited her,” sey ni Bustinera.

Hindi rin niya matukoy kung aling abogado ni Discaya ang dumalaw sa kanya.

“She’s in quarantine, so she’s just in the area. We’re still waiting on the report about mixing her with the general population,” wika pa niya.

Ayon pa kay Bustinera, online visits lamang ang pinapayagan sa ngayon para kay Discaya at sa kanyang siyam na co-accused sa kasong graft at malversation.

Kabilang sa mga co-accused ni Discaya ang walong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at si Roma Angeline Rimandon na pangulo ng Discaya-owned construction firm na St. Timothy Corp.

Sinabi rin ng BJMP na inaasahan nilang makakatanggap ng clearance sa susunod na linggo upang maisama si Discaya sa general population ng kulungan.

Naunang sumuko si Discaya at ang walong opisyal ng DPWH sa National Bureau of Investigation (NBI), habang si Rimando naman ay sumuko sa Pasig City Police Station, kasunod ng inaasahang pag-isyu ng mga warrant of arrest noong unang bahagi ng Disyembre.

Matapos mailabas ang mga warrant of arrest, sila ay inilipat at ikinulong sa Lapu-Lapu City Jail.

Tungkol naman sa petisyon ng kampo ni Discaya na manatili siya sa kustodiya ng NBI, sinabi ni Bustinera na, “We received an order from the Lapu-Lapu City Jail Female Dormitory to file a comment [on the petition].”

Dagdag pa niya, “On the BJMP’s part, the Lapu-Lapu City Jail Female Dormitory, they already submitted their comment that the facility is prepared to handle her custody.”

Samantala, ang asawa ni Sarah na si Curlee Discaya ay nag-Pasko sa detensyon sa Senado. 

Siya ay nakakulong doon mula pa noong Setyembre matapos ma-cite for contempt kaugnay ng umano’y pagtanggi niyang makipagtulungan sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa mga kwestiyonableng flood control projects.

The post Sarah Discaya dinalaw ng pamilya sa kulungan matapos ang Pasko appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments