Responsive Ad

PAALAM 2025: Pinoy stars na nagmarka sa Int’l projects ngayong taon

PAALAM 2025: Pinoy stars na nagmarka sa Int’l projects ngayong taon

MARAMING Pinoy stars ang bumandera at nagpakita ng galing at talento sa international stage nitong 2025.

Mula sa Hollywood films, world tours, international film festivals, hanggang sa global fashion events, narito ang mga Pinoy na nagmarka sa buong mundo:

Lovi Poe

Nagkaroon ng malaking break ang aktres na si Lovi Poe sa international scene sa pamamagitan ng kanyang lead role sa Hollywood action-comedy film “Bad Man.”

Kasama niya ang Hollywood actors na sina Seann William Scott, Johnny Simmons, Chance Perdomo, Rob Riggle, at Andre Hyland.

Ang pelikula ay ipinalabas sa US theaters at video-on-demand, na nagbigay sa kanya ng global audience exposure.

Baka Bet Mo: PAALAM 2025: Top 10 pasabog at nakakalokang chika ng BANDERA

BINI

Ang P-Pop girl group na BINI ay naghatid ng Pinoy music sa buong mundo sa kanilang BINIverse World Tour 2025 na dinaluhan sa Dubai, London, Toronto, New York, Los Angeles, at Vancouver. 

Pinakita nila ang talento at energy ng P-Pop sa international fans, nagbukas ng mas maraming oportunidad para sa Filipino music industry.

Manny Jacinto

Muling nakilala si Manny Jacinto sa international scene sa pamamagitan ng Hollywood film na “Freakier Friday.” 

Maliban diyan, napabilang din siya sa TIME 100 Next list 2025. 

Ito ay patunay ng kanyang lumalaking global influence bilang isang Pinoy actor sa industriya ng pelikula sa labas ng bansa.

Lea Salonga

Gumawa ng kasaysayan si Lea Salonga bilang kauna-unahang Pilipino na nagkaroon ng Hollywood Walk of Fame 2025–2026.

pagkilala na ito ay patunay ng kanyang decades-long international career sa Broadway at music scene, at sa pagiging Filipino icon sa buong mundo.

Heart Evangelista, Gabbi Garcia, Michelle Dee, Pia Wurtzbach, Anne Curtis, Max Collins, Vicki Belo & Hayden Kho

Ang mga personalidad na sina Heart Evangelista, Gabbi Garcia, Michelle Dee, Pia Wurtzbach, Anne Curtis, Max Collins, Vicki Belo, at Hayden Kho ay nagpakita ng Filipino elegance sa pamamagitan ng kanilang participation sa international fashion events at global fashion weeks. 

Naghatid sila ng Pinoy style at presence sa worldwide runway scene.

The post PAALAM 2025: Pinoy stars na nagmarka sa Int’l projects ngayong taon appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments