Responsive Ad

ChiKapalaran: Swerte ka ba sa pera, career at lovelife sa 2026? 

ChiKapalaran: Swerte ka ba sa pera, career at lovelife sa 2026?

SA pagpasok ng 2026 o ang Year of the Fire Horse, ano nga bang kapalaran ang naghihintay sa 12 zodiac sign batay sa Chinese astrology?

Magiging swerte ka ba sa life and career this year, o same-same lang kumpara sa 2025? O, baka naman mas magiging challenging ang buhay mo sa Taon ng Kabayo pero matatagpuan na ang iyong “the one”?

Inilarawan ng mga feng shui expert ang 2026 bilang isang “uncontrolled and burning” year, kung saan bidang-bida ang matinding energy ng kabayo, mabilis kumilos, determinado, at madaling magliyab.

Ang ganitong uri raw ng energy ay magdadala ng matitinding pagbabago sa iba’t ibang aspeto ng buhay: mula sa kalusugan, pera, career at personal na buhay. 

Narito ang prediksyon sa mga inaasahan at posibleng mangyari sa bawat horoscope sign pagsapit ng 2026, base sa artikulo ng Astrosage.com. Pero siyempre, mga gabay lamang ito sa buhay, nasa inyo pa rin kung paniniwalaan n’yo o hindi.

Aries

ARIES (Mar 21–Apr 19)

Ang taong ito ay maaaring magdala ng “mixed results” para sa mga indibidwal na ipinanganak sa ilalim ng Aries sign. Sa career, kailangan mong magtrabaho nang higit pa this year, pero ang mga resulta ay hindi palaging nakaayon sa iyong inaasahan. 

Sa aspetong pinansyal, malamang na magiging matatag at maganda ang iyong kita, ngunit maaaring mahirapan kang makatipid ng malaking halaga.  

Hindi rin espesyal ang 2026 para sa usaping love pero para sa mga single, magiging productive ang taong ito para sa iyo. Health-wise, dapat kang maging maingat, dahil maaaring magdala ng ilang pisikal na kahinaan o mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan.

Taurus

TAURUS (Apr 20–May 20)

Inaasahang magiging paborable ang 2026 para sa iyo ngunit maaaring humarap sa maliliit na hamon. Asahan ang positibong resulta sa iyong mga pagsisikap kaya maganda rin ang pasok ng pera.

Mula sa pananaw ng pag-ibig at pag-aasawa, ang taong ito ay maaaring magdulot ng tagumpay at extra happiness. Kung tungkol sa buhay pamilya, inaasahan ang kapayapaan at pagkakaisa sa tahanan. 

At sa health naman, kung ipagpapatuloy ang nasimulang disiplina sa pagkain, ang iyong kalusugan ay mananatili sa mabuting kalagayan.

Gemini

GEMINI (May 21–Jun 20)

Magiging mas challenging para sa iyo ang taong ito, lalo na pagdating sa pagnenegosyo o sa trabaho pero kapag nalampasan mo ang mga hamong ito, malaki ang posibilidad na makamit ang tagumpay.

Tungkol naman sa pera, sa pangkalahatan ay magiging paborable ang 2026, at maaari kang makakita ng pagtaas ng kita. Gayunpaman, para sa mga nagpaplanong bumili ng ari-arian, real estate, o sasakyan, hindi ito ang tamang panahon.

Magiging positibo ang iyong buhay pag-ibig, at para sa mga walang asawa, ang taong ito ay maaaring magdala ng magagandang pagkakataon. Ang mga may asawa ay pinapayuhang maging maingat sa relasyon para walang makapasok na outside forces.

Sa kalusugan, maaaring maghatid ng magkakaibang resulta. 

Cancer

CANCER (Jun 21–Jul 22)

Magiging mahirap ang year na ito para sa iyo pero kung gogora at susulong ng may pag-iingat at dedikasyon makakamit mo naman ang inaasahang tagumpay.

Magiging maganda ang iyong kita this year, pero mahihirapan ka pa ring mag-ipon ng pera.  

Sa larangan ng pag-ibig, kailanganin mong bantayan ang iyong relasyon upang hindi masalisihan. Ang ikalawang kalahati ng taon ay magiging lalong paborable para sa mga nasa edad na para sa pag-aasawa.

Kung aalagaan mo ang iyong kalusugan sa 2026, mapapanatili ang pagiging fit and fab. 

Leo

 LEO (Jul 23–Aug 22)

Ang unang kalahati ng taon ay inaasahang magiging mas positibo. Sa career, haharap sa ilang hamon pero kapag hindi nagpatalo malalampasan mo ang mga pagsubok na ito.

Sa usaping pinansyal, ang unang bahagi ng taon ay magiging maganda hindi lamang sa kita kundi pati na rin sa pag-iipon pero sa ikalawang kalahati ng taon ay maaaring magdala ng mas mataas na gastos. 

Pagdating sa pag-ibig, maaari kang sumugal sa unang kalahati ng taon dahil may maganda itong senyales. Ang buhay pampamilya sa taong ito ay masasabing hindi masyadong maganda kaya maging sensitive sa feelings ng mga kaanak.

Ngayong 2026, huwag nang balewalain ang mga nararamdaman sa katawan dahil may posibilidad ng pisikal na kahinaan o mga alalahaning nauugnay sa kalusugan. 

Virgo

VIRGO (Aug 23–Sep 22)

Sa propesyonal na buhay, malamang na makakamit mo ang tagumpay kung magtatrabaho ka nang maingat. Sa pananalapi, ang taon ay mukhang sumusuporta, at maaaring makahanap ng mga pagkakataon upang palakasin ang iyong posisyon. 

Para sa mga nagpaplanong bumili ng ari-arian, bahay, o sasakyan, ang taong ito ay maituturing na perfect timing. 

Ang ikalawang kalahati ng taon ay magiging mas paborable para sa mga relasyon sa pag-ibig. Gayundin, ang mga bagay na may kaugnayan sa pag-aasawa at buhay pag-aasawa ay makakakita rin ng magagandang resulta sa huling bahagi ng taon. 

Pero maging maingat sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre, dahil ang dalawang buwang ito ay maaaring magdulot ng mga problema.

Sa kalusugan, maaari kang makaharap ng ilang mga isyu sa buong taon. Mahalagang magpatingin nang regular para hindi magsisi sa huli.

Libra

LIBRA (Sep 23–Oct 22)

Bagama’t maaaring may ilang hamon sa ilang partikular na bahagi ng buhay, karamihan sa mga resulta ay inaasahang papabor sa iyo. Makakatanggap ka ng mga resulta ayon sa proporsyon ng mga pagsisikap na inilagay mo sa iyong trabaho. 

Ang mga nagnenegosyo naman ay makakatagpo rin ng tagumpay sa pamamagitan ng pagsusumikap. Sa pananalapi, hindi ka magkakaroon ng masyadong problema basta maging maingat lamang sa paggastos.

Kung balak bumili ng ari-arian, bahay, o sasakyan sa 2026, ituloy mo na yan dahil suportado ka ng universe. Pagdating sa kumpetisyon o tunggalian, malaki rin ang tsansang umuwing winner.

Sa buhay pag-ibig, maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng iyong partner na posibleng magdulot ng problema pero sa pamamagitan ng komunikasyon at pagtanggap sa pagkakamali, papabor sa iyo ang tadhana.

Kailangang bantayan ang kalusugan at huwag nang balewalain ang mga nararamdaman. Ituloy na ang planong executive checkup.

Scorpio

SCORPIO (Oct 23–Nov 21)

 Ang unang kalahati ng taon ay maaaring maging mahirap lalo na sa career o trabaho, habang ang ikalawang kalahati ay inaasahang magiging paborable sa iyo. Pinapayuhan ang espesyal na pag-iingat sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre.

Maaari kang humarap sa ilang mga paghihirap, ngunit kung magpapatuloy ka batay sa iyong mga nakaraang karanasan at humingi ng patnubay mula sa mga taong pinagkakatiwalaan, malamang na makakamit mo ang mga makabuluhang resulta. 

Ang ikalawang kalahati ng taon ay magiging mas bongga para sa iyong buhay pinansyal. 

Sa buhay pag-ibig, ang pagpapanatili ng balanse sa relasyon ay magiging mahalaga. Ang iyong buhay pamilya ay malamang na mapupuno ng kapayapaan at kaligayahan. 

Pagdating sa health, dapat kang maging maingat, dahil may mga pagkakataong maaaring maging maselan ang iyong kalusugan sa taong ito. Bantayan ang kidney at tummy.

Sagittarius

SAGITTARIUS (Nov 22–Dec 21)

Magiging mahalaga para sa iyo na sumulong ng may pag-iingat sa buong taon. Ang dedikasyon at pagiging sensitive sa feeling ng iba ay magiging mahalaga sa iyong karera. Dapat mong iwasan ang katamaran at kawalang-ingat upang makamit ang iyong mga layunin. 

Sa isyu ng pananalapi, wala kang masyadong struggle this year pero umiwas muna sa mga gastos na walang kapararakan.

 Sa love, pagkakasundo at tamis ang mangingibabaw. Ang buhay ng pamilya ay mananatiling mapayapa. Gayunpaman, kailangang maging maingat lalo na sa kalusugan ng mga miyembro ng iyong pamilya. 

Capricorn

CAPRICORN (Dec 22–Jan 19)

Paghandaan ang mga darating na pagsubok sa mga panahong hindi mo inaasahan. Maganda ang magiging takbo ng iyong career at negosyo na resulta ng iyong mga pagsisikap.  

Ang daloy ng iyong kita ay mananatiling maayos sa buong taon, bagamat maaari ka pa ring makaharap ng ilang mga paghihirap sa pag-iipon ng pera. 

Sa iyong buhay pag-ibig, kung pinananatili mo ang paggalang at limitasyon sa iyong relasyon, ang mga bagay ay gagana sa iyong pabor. Ang ikalawang kalahati ng taon ay magiging partikular na mapalad para sa pag-ibig, pag-aasawa, at buhay may-asawa. 

Para matiyak ang maayos na buhay pampamilya, mahalagang iwasan ang mga hindi pagkakaunawaan—ang paggawa nito ay makatutulong sa iyo na makaiwas sa mga hindi kinakailangang problema. 

Kung tungkol sa kalusugan, ang pagpapanatili ng balanseng diyeta ay makakatulong sa iyo upang manatiling malusog sa buong taon.

Aquarius

AQUARIUS (Jan 20–Feb 18)

Ang taong 2026 ay maaaring bahagyang mahirap para sa mga ipinanganak sa ilalim ng Aquarius sign. Gayunpaman, salamat sa mga pagpapala ng Jupiter, ang iyong buhay ay inaasahang mananatiling balanse sa pangkalahatan. 

Kaya kailangan mong sumulong nang maingat upang makamit ang mga kanais-nais na resulta.

Sa iyong karera, magtrabaho ng may dedikasyon, ngunit siguraduhing pangalagaan ang iyong kalusugan. 

Ang iyong buhay pinansyal ay medyo hindi matatag sa taong ito. Bagama’t malamang na katamtaman o matatag ang iyong kita, maaari kang mahihirapan sa pag-iipon ng pera. 

Sa buhay pag-ibig, ang unang kalahati ng taon ay malamang na maging positibo, habang ang ikalawang kalahati ay maaaring magdala ng ilang mga paghihirap. 

.Dahil sa ilang mga isyu sa pamilya, ang kapaligiran sa tahanan ay maaaring humarap sa mga maliliit na abala, dahil ang panahong ito ay hindi masyadong malakas para sa buhay pamilya. 

Sa kalusugan, mahalagang pakinggan ang payo ng pamilya na tigilan na ang mga bisyo dahil kung hindi, maaaring humarap sa health scare this year.

Pisces

PISCES (Feb 19–Mar 20)

Ang panahong ito ay maaaring magbunga ng mga positibong resulta sa iba at maging negatibo sa ilan. Kailangan mong harapin ang mga hamon sa iba’t ibang aspeto ng buhay, kaya mahalagang sumulong ng may pag-iingat at pagsusumikap upang manatili sa landas tungo sa tagumpay. 

Kung gagawin mo ito, magagawa mong mapanatili ang balanse sa iyong karera ngunit siguruhing pamahalaan ang iyong mga responsibilidad ayon sa iyong kalusugan, at huwag mag-overload ang iyong sarili. Sa ganoong paraan, masisiguro mo ang balanse sa pagitan ng karera at kalusugan.

Sa kabilang banda, ang labis na pagtatrabaho na lampas sa iyong kakayahan ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa iyong kalusugan. 

Sa pananalapi, ang 2026 ay maaaring ituring na paborable, lalo na ang ikalawang kalahati ng taon, na magiging mas kapaki-pakinabang kaysa sa unang anim na buwan. 

Mula sa pananaw sa kalusugan, maaaring medyo mahina ang taong 2026, kaya ipinapayo na bigyan mo ng higit na pansin ang iyong kapakanan sa buong taon.

The post ChiKapalaran: Swerte ka ba sa pera, career at lovelife sa 2026?  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments